Mga sumbong sa text

• 0917847xxxx – Sir Raffy, napakakapal ng mukha ng mga pulis dito sa Palar C-5, Taguig. Nanghuhuli sila ng mga PUJ kahit wala namang kasalanan o violation. Lalo na iyong body number ng mobile ay 03, nagsisimula ng pasado alas-onse ang pangongotong nila sa mga jeepney drivers. Grabe ang kakapal nila, P100 kada huli.

•0920857xxxx – Magandang araw po, noong isang umaga po, mga bandang 7:00 am, nakasabay ko sa jeep ang inmate na kasama ang dalawang BJMP guards na galing ng Sampaguita papuntang Alabang-Zapote Road. Tapos ay sumakay ulit sila ng papuntang Las Piñas. Tama po ba iyong ginawa ng BJMP guards na isakay sa mga pampublikong sasakyan ang inmate?

• 0907895xxxx – Sir Raffy, nagkaproblema po ang isang kaibigan ko sa isang sundalo ng marines na si CPL Allan Cachero at sa asawa nitong si Beth. Pinagbantaan po sila nito na babarilin dahil lamang sa pagbawi nila sa isang gamit na ipinahiram nila sa mag-asawa dahil gagamitin na nila ang kanilang pinahiram. Galit na galit pa si Cachero at pinagbibintangan pa silang isang sindikato. Sana po ay matulungan n’yo sila.

• 0915365xxxx – Gusto ko lamang pong iparating sa mga kinauukulan ang kadelikaduhan ng mga concrete barrier sa kahabaan ng Andrew Avenue, Pasay City. Napakadelikado po ng mga ito lalo na sa gabi na maaaring pagsimulan ng aksidente. Maraming salamat po. – Concerned Citizen

• 0927301xxxx – Irereklamo po naming mga señor citizen ang hindi po pagbibigay ng señor citizen ID sa amin dito sa Imus, Cavite. Tulungan n’yo po kami.

• 0917382xxxx – Sir, iko-complain ko lang po ang tungkol sa patuloy na paniningil ng mga public schools dito sa lugar namin sa Salabaca, Esperanza, Sultan Kudarat. Naniningil po sila ng para sa PTA, janitor, security guard at iba pang bayarin mapa-elementary man o high school. Sana po ay mabigyan n’yo ng pansin ang aming problema. Salamat po.

• 0939791xxxx – Idol Raffy, may irereklamo lang po ako tungkol sa school kung saan nag-aaral ang dalawa kong anak. Marami kasing sinisingil na kung anu-ano sa mga bata. At kapag hindi naman nakapagbayad ay hindi bibigyan ng exam. Hindi po ba ayon sa DepEd ay zero collection sa mga public schools?

• 0905726xxxx – Idol, pakigising naman po ang pamunuan ng Quezon City na magtalaga ng mga tauhan o bigyang pansin ang lugar dito sa along Balintawak Market, EDSA. Dahil napakarami po tito ang basta na lamang tumatawid at parang mga walang takot na masagasaan. Pakitulungan naman po kaming mga motorista, salamat po.

• 0916539xxxx – Isusumbong ko lang po ang Pabahay Elementary School sa Muzon, San Jose del Monte, Bulacan dahil marami ang sinisingil ng mga guro rito. Kabilang sa mga sinisingil nila ay ang national reviewer – P65, project na CR – P100, Red Cross – P5, Acrobats – P75 at iba pa. Sana po ay matigil na ang kanilang mga paniningil sa mga estudyante.

Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0917-7WANTED

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.