MGA SUMBONG SA TEXT

0917887xxxx – Idol, may iko-complain lang po ako regarding sa MMDA Training Center. Kapag may P50 ka lang pala, kahit hindi ka pumasa sa exam, bibigyan ka pa rin ng certificate na pasado ka. May tao sa loob na pakawala nila na nagbubuyo sa mga tao para huwag nang mag-exam at magbayad na lang. Hindi na po nakapagtataka kung bakit maraming aksidente ngayon sa kalye.

0932421xxxx – Sir Raffy, sa Quezon City Station 10 EDSA-Kamuning, P400 ang pagkuha ng police report at kapag nagbigay ka ng P500 ay hindi ka na nila bibigyan ng sukli.

0923867xxxx – Dito po sa Catmon, Malabon ay madalas ang holdapan. Alam na ito ng mga taga-Tugatog police dahil sila ang nakakasakop dito kaya lang po ay wala pa rin pong pagbabago. Nakakatakot tuloy umuwi sa gabi dahil mula 8:00 pm – 4:00 am halos araw-araw ay may nahoholdap.

0926306xxxx – Idol Raffy, tulungan n’yo naman po kaming mga residente ng Barangay Niyugan, Cabuyao, Laguna dahil grabe na po ang baho galing sa katas ng basura na rito sa amin ibinabagsak. Nagkakasakit na po ang mga residente rito dahil sa grabeng perhuwisyong inaabot namin. Sana po ay matulungan ninyo kami. Maraming salamat po. – Concerned Citizen

0949645xxxx – Sir, pakikalampag naman po ang CMP Federal Security Agency na hulugan ang mga benefits namin, at gawing consistent ang paghuhulog nila.

0928574xxxx – Isa po akong operator ng pampasaherong jeep, May 18, 2010 pa nooong nagsimula akong mag-renew at hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos. Dahil dito, puro na lang multa ang nangyayari sa amin, ang kita namin ay sa LTFRB na lang napupunta. Ang mga empleyado nila ay masyado pang mga arogante, bawal daw pumasok ang mga operator samantalang ang mga fixer na nagkalat sa labas ay labas-masok sa kanilang opisina.

0927228xxxx – Mayroon pong gulo ngayon sa Lower Bicutan, Taguig dahil may mga tao pong nagtatayo ng bahay kahit hindi po sa kanila ang lupa dahil may mga protektor pong pulis. Kapag may mga kasamang pulis ang mga may-ari ng lupa, nawawala po iyong mga pulis na kasama ng mga squatters at umaalis din po iyong mga iyon. Pero bumabalik din naman sila kaagad. Kawawa rin po iyong mga squatters dahil nagbabayad daw po ang bawat pamilya ng P1400 sa pulis.

0948757xxxx – Sir Raffy, pakisita naman po iyong terminal ng taxi rito sa harapan ng barangay hall ng Signal Taguig. Ang tindi po ng pangongontrata nila araw-araw sa mga pasahero. Inireklamo na po namin ito sa barangay pero wala silang nagawa dahil konsehal daw po ang may hawak sa mga ito.

0926160xxxx – Idol, hihingi po sana ako ng tulong sa inyo dahil tatlong taon na po mula nang masagasaan ang anak ko ng bus ng Saint Rose. Matagal na akong nakapaghain ng demanda sa LTFRB laban sa nasabing bus company at ang sabi ay may resolution na raw ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin po kaming natatanggap.

Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0917-7WANTED.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

3 thoughts on “MGA SUMBONG SA TEXT

  1. sir kuntakin nyo po ako sa email ko ayaw ko po sabihin dto number ko san po maaksyunan nyo po yun kalat na kasi un sa surigao alam ko pung hindi biro to at nkakatakot pero marami na din kasing adik dun ng dahil sa taong yun

  2. Sir may alam mo akong taong angbibinta ng droga sa surigao kalat na po ito sya pinakamaster mind gusto ko po mahuli na yong taung yun pati kalive in nya na gumagamit ng droga alam ko din po kung san dumadaan mga taong bumubili ng droga may tinatawag pa clang ofis ng droga matalag ko an po gustong isumbong to pero d ko po alam kung knino at sino kya angsearch ako sa internet..at sna po maaksyunan nyo po ito

Leave a Reply

Your email address will not be published.