Mga sumbong sa text

0917502xxxx – Idol, itatanong ko lang po kung saan puwedeng isumbong ang araw-araw na paggamit ng isang government vehicle para sa paghatid at sundo sa eskuwelahan. Hindi po ba dapat ay sa mga official government business lang po ginagamit ang sasakyan ng gobyerno?

0939862xxxx – Idol Raffy, may mga pulis po na malalakas mangotong dito sa Baesa along Quirino Highway, QC.

0930456xxxx – Sir Raffy, dito po sa Carmen Elementary School sa Zaragosa, Nueva Ecija, mahilig pong magpaganda ng school ang principal namin. Umuutang siya sa lumber para ipagawa ang school pero kaming mga magulang ang sinisingil para mabayaran ang lahat ng inutang niya. Tapos noong nanakawan daw ng computer sa office, sa amin pa rin pong mga magulang gustong kunin ang pamalit. Ang principal po ng nasabing eskuwelahan ay si Celerina Leoncio. Sana po ay matulungan n’yo kami.

0939564xxxx – Isusumbong ko lang po sana ang school sa Bagacay, San Dionisio, Iloilo High School. Ang dami pong sinisingil na bayarin katulad ng school paper P95, red cross P10, boy/girl scout P10, anti-TB P5, PTA fee P50, watchman P70, testing fee P80, sports fee 40, insurance P35, computer class P150, miscellaneous fee P35, at iba pa. Bale lahat-lahat po ng binabayaran ay umaabot sa P850. – Concerned Citizen

0917862xxxx – Sir, itatanong ko lang po kung may bayad ba kapag nag-iimbestiga ang SOCO? Kasi po naniningil sila ng 12 thousand pesos na bayad para sa mga gamit nila. Maraming salamat po.

0906343xxxx – Mr. Tulfo, ipaaalam ko lang po ang talamak na holdapan sa kahabaan ng North Avenue hanggang terminal ng FX at jeep. Araw-araw po itong nangyayari rito.

0909682xxxx – Dito po sa Brgy. 546 Zone 54 ay may computer shop na wala pong permit sa BPLO. Ang dami pong kabataan na edad 14 pataas na naglalaro magdamag dito. Wala pong pakialam ang chairman dito dahil hindi inaaksiyunan ang aming mga reklamo. Takot po kasi si chairman sa may-ari ng computer shop dahil doon po siya umuupa. Sana po ay matulungan n’yo kaming maipasara ang nasabing computer shop dito sa Kundiman St. Sampaloc, Manila.

0921271xxxx – Sir, iko-complain ko lang sana iyong renewal ng license kasi nang nagre-renew ako at sinabi nilang marami raw akong mga traffic violation sa Zambales. Pero taga-Pasay po ako at kahit kailan ay hindi pa ako nakakarating ng Zambales. Ayaw pong i-renew iyong license ko hangga’t hindi ko raw po nababayaran lahat ng ticket na nagkakahalaga ng mahigit na limang libong piso. Kailangan ko raw pumunta sa Zambales para bayaran ang lahat ng violations. Sana po ay matulungan ninyo ako.

0909997xxxx – Sir Raffy, isa po akong security guard dito sa Tagaytay. Six months na po ako sa agency na Sanford. Nagbayad po ako P3,500 sa license ko nang nag-training kami. Sa 6 months po naming pag-duty ay wala po kaming license dahil hindi po ito inasikaso ng aming agency. Tapos po ay nag-verify po ako sa PhilHealth, SSS at pati na po ang PAG-IBIG fund, hindi po nila hinuhulugan ang aming mga benipisyo pero lagi po nila kaming kinakaltasan sa sahod. Sana po ay matulungan ninyo kami.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

2 thoughts on “Mga sumbong sa text

  1. Sir, Bakit laging kulang ang visilbilty ng mga police, saan ba sila nagbabantay? Tulad sa paglabas sa NAIA ng mga arrivals, lagi daw may bundol gang, holdaper, carnaper, snatcher… Nasaan ang mga police patrol? kasosyo kaya at laging successful mga kawatan?

    • Agreed, baka naman kulang mga kapolisan natin? At watch the news, laging nagsasalita mga head ng police na ganito ganyan. pwee. puro on cam, kumalat naman kayo sa kalye at hindi yang umiinit na ang silya nyo sa kauupo sa upisina at lumalaki mga tiyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.