Mga Stall Owner, Umaangal Laban sa Security Officer

NADIDISMAYA ANG mga stall owner na nagre-renta sa Alabang Public Market sa nakatalagang head security officer dito dahil sa kawalan umano nito ng kakayahan na mabigyan ng proteksiyon ang kanilang negosyo laban sa mga magnanakaw at sa ginagawa umanong pananakot nito sa kanila.

Sinabi sa Pinoy Parazzi ng mga stall owner na ayaw magpakilala, ayaw nilang ihayag ang kanilang mga pangalan dahil natatakot silang buweltahan ng head security officer ng nabanggit na pamilihan na si Ronie Arevalo.

Anila, wala umanong kakayahan si Arevalo na magampanan ang kanyang trabaho dahil lagi umanong napagnanakawan ang kanilang nire-rentahang stall gayong araw at gabi ay may nakatalagang security guard.

Kapag umano inire-report nila sa police station na napagnakawan ang kanilang stall ay kaagad umano silang pinupuntahan sa kani-kanilang stall ni Arevalo na may kasama umanong mga hoodlum na pawang armado ng baril at tinatakot silang paaalisin sa inuupahang stall.

Nagkakaisang tinuran ng mga stall owner, sayang ang ibinabayad nilang renta sa halagang P3,000 kada buwan kung walang kuwenta naman ang ibinibigay nilang serbisyo at hindi maprotektahan nang mabuli ang kanilang negosyo.

Idinagdag pa ng mga stall owner, nagtataka umano sila na sa loob ng ilang taon ng pagiging head security officer ni Arevalo ay biglang lumubo ang yaman nito at kaagad na nakapagpatayo ito ng dalawang kongkretong bahay sa Sta. Rosa, Laguna na nagkakahalaga ng 40 milyong piso bawat isa gayong maliit lamang ang kinikita nito bilang isang security officer.

Wika pa ng mga stall owner na kung alam kaya ni Muntinlupa Mayor Aldrin San Pedro kung saan kinuha ni Arevalo ang kanyang yaman.

May palagay ang mga nabanggit, na ibinubulsa umano ng head security officer ang ibinabayad nilang renta sa inuupahan nilang stall na nagkakahalaga ng P3,000 kada linggo kaya biglang yaman ito.

Dahil dito, hinihiling ng mga stall owner na isailalim si Arevalo sa lifestyle check dahil umano sa biglang yaman ito, gayong ang kinikita nito bilang head security officer ay hindi umano sapat para makapagtayo ito ng dalawang konkretong bahay.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.