Mga sikat nga, wala namang ganda?!

OLA CHIKA! HABANG nasa sasakyan ako, kasama ang aking mga parazzi girl, natawa na lang ako sa kanilang kuwentuhan. Hindi ko tuloy napigilan ang humalkhak. Tungkol kasi sa mga artistang sikat, pero walang ganda ang kanilang pinagchi-chikahan. Naloka ako! May ganu’n ba?! Hahaha!

Hindi nakaligtas sa matatalim na dila ng aking mga parazzi girl ang nangunguna sa listahan na si Judy Ann Santos, huh! Pangalawa sa kanila si Sarah Geronimo, at pangatlo ang Asia’s Songbird at dyowa ni Ogie Alcasid na si Regine Velasquez. Hindi rin nakaligtas sa kanila ang international singing sensation na si Charice Pempengco, huh! Natawa na lang talaga ako.

Ang komento ng aking parazzi girl, sikat si Judy Ann, ngunit hindi siya pasado sa ganda at panlasa ng aking mga parazzi girl, dahil nadala lang sa kanyang galing sa pag-arte. Hmm… well, komento nila ‘yun.
Si Sarah naman, kundi magaling kumanta, tiyak na wala sa industriya. Hahaha! Gayundin daw si Regine na dinadala la sa pagbirit, huh! Na ganu’n din naman ang kinalabasan ng kuwento nila tungkol naman kay Charice, huh!

Pero ewan ko nga ba, hindi tinantanan ng aking mga parazzi girl si Ogie, na hindi ko na talaga masikmura, hahaha! Ginawa nilang katatawanan ang mga ito habang nasa sasakyan kami. Dahil butox na butox daw ang mukha ni Ogie, na akala mo, pandesal na tinubuan ng mukha. Naku, chika lang ‘yun, ha! ‘Yun na!

by Tita Swarding

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

4 thoughts on “Mga sikat nga, wala namang ganda?!

  1. hindi naman po pretty si sarah eh. para sa akin. pero hindi rin naman talaga sya pangit. talented po talaga sya.

    • pretty si sarah patapyas muna xa ng tenga. at patangos ng ilong! nadadaan lang sa nose line gamit ang eye liner!

Leave a Reply

Your email address will not be published.