Mga show sa TV5, isa-isang tinitigbak

TV5NAKALULUNGKOT THAT tension is now gripping all of TV5 with the cancellation of show one after another.

Ang latest ngang nasampulan ay ang nakakalawang aired episodes pa lang ng Misterless Misis, and as to when its following episodes already in the can will air remains uncertain as the future.

Ang dinig namin, from top to bottom ang drastic na pagbabagong ito sa network, even its radio arm hasn’t been spared from the misfortune. Ang mga programa nina Arnell Ignacio at Mr. Fu—and perhaps many others—were axed.

Ayon sa aming source, kung tutuusin ay maganda naman ang takbo ng mga umeereng programa ng tinaguriang Happy Network, its staff is literally happy with Ms. Wilma V. Galvante being the head for Content except sa ilang pa-know-all daw na entity na wala namang kaalaman sa larangan ng telebisyon.

Are those the sponsors of the station nga ba, na kung ilarawan ng aming source ay, “Ang gusto nila, pag nagtanim sila ng buto, kinabukasan, may bulaklak na!”?

Agad-agad?!

HOW TIME really flies, Episode no. 64 na pala ang mapapanood na kuwento ng Ismol Family this Sunday!

And as usual, the hilarious riot never stops. Muntik nang makidnap sina Jackie, Dianne, Krippy at Yakki ng basurerong de-kariton na si Totoy Kalakal. Pero hindi pala kidnapping iyon, napagkamalan lang silang mga batang hamog.

Samantala, nakita ni Lora na may gumuhit na dugo sa hita ni Mama A. ‘Yun pala, catsup lang ‘yun. Nabuking tuloy ni Lance na hindi talaga siya buntis, may kabag lang.

Naiinis naman si PJ sa classmate niyang si Irish. Sinabi kasi nito kina Jingo at Majay na crush siya nito. Pero ang totoo, turo ‘yon ng yaya.

Segue naman kay Bernie na nagreport pa rin sa bike shop kahit nilalagnat. Noong himatayin siya, tineyk home siya ni Natalia. Kinabukasan, laking gulat niya nang katabi na niya ito sa kama.

Abangan ang lahat nang ‘yan sa Linggo sa Ismol Family!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleYour Face Sounds Familiar, napaaga ang pagbabalik-TV
Next articleRegine Velasquez, excited na makasama sina Dingdong Dantes at Alden Richards

No posts to display