Mga serye ng Kapuso, ang bigat sa dibdib panoorin

MARAMING VIEWERS ang naririnig naming nagri-react sa mga seryeng ipinapalabas sa GMA 7. Masyado raw mabigat sa dibdib kung panonoorin mo araw-araw ang mga ito.

And we agree kasi minsan, natutukan namin ang mga seryeng ito ng GMA 7. Na imbes na ma-entertain ka, madi-dpress ka raw nang husto.

Sa umaga pa lang, depressing na ang araw-araw na conflict sa buhay ng character ni Bea Binene bilang si Angelina sa Cielo de Angelina. Na kahit inampon na siya ng mayamang arkitekto portrayed by Gerald Madrid, hindi pa rin natatapos ang pagdurusa sa buhay nito lalo nang ipinasok siya sa exclusive school kung saan nag-aaral din ang bestfriend niyang inampon din ng isang mayaman na kailangan ni-lang ilihim pareho ang pagkatao nila.

Puwede naman sanang ilipat na lang ng school si Angelina kung nagkakaproblema lang ito sa sosyal na paaralang pinapasukan. O kaya ay ‘yong kaibigan niya ang mag-transfer. But it shows na ang mga character nila at ng nag-ampon sa kanila mismo ang may gusto na mapasok sila sa gano’ng conflict.

Hindi rin maganda ang paglalarawan sa story ng Cielo sa exclusive school para sa mga anak-mayaman. Parang halos lahat ng nag-aaral dito ay parang mga spoiled brat, matapobre, at ang sasama ng ugali. Eh, sa totoong buhay, hindi naman daw gano’n ang mga anak-mayamang estudyante ng mga exclusive school dahil may magandang breeding naman ang mga ito at well-mannered dahil iyon nga ang itinuturo ng high standard nilang eskuwelahan.

Pagdating naman ng hapon, puro hinagpis, at pagdurusa pa rin ang masasaksihan mo na dinaranas ng mga bidang karakter sa Magdalena, Ikaw Na Sana, at Yesterday’s Bride. Talagang ang hirap nang intindihin kung bakit ba labis-labis na kaapihan na ang kailangan nilang pagdaanan.

Pagsapit naman ng gabi, walang katapusang pagmamaltrato, kalupitan , at pang-aalispusta rin ang pinagtitiisan ni Barbie Forteza na siyang pangunahing tampok sa Paroa: Ang Kuwento Ni Mariposa. Kasunod nito ay ang Aso Ni San Roque na puro torture pa rin ang inaabot ng batang bida rito na si Mona Louise Rey na halos mamatay na sa pagkuha rito ng dugo na base sa kuwento ay mabisang panlaban sa mga aswang.

Nagkaroon pa siya ng sinasabing aso ni San Roque bilang tagaprotekta niya pero parang wala namang silbi. At nakilala man ang mga magulang portrayed by LJ Reyes and TJ Trinidad, wala pa ring masayang pangyayari. Puro trahedya pa rin sa palikaw-likaw nang kuwento nito.

Maganda sanang kasunod nito ay ang Coffee Prince na isang romantic comedy. Kahit paano, may breaker sa sunud-sunod na nakaka-depress na palabas. Kaso’y natapos na last Friday ang ser-yeng ito na pinagbibidahan nina Kris Bernal at Aljur Abrenica.

May papalit man, ang Pahiram Ng Isang Sandali kung saan bida si Dingdong Dantes kasama sina Lorna Tolentino at Christopher de Leon na magsisimula ngayong Lunes, November 26, parang mabigat na naman sa dibdib ang tema nito.

Nakakainis na rin ang sobrang pagpakakatanga at kamartiran ng character ni Marian Rivera sa Temptation Of Wife. Manghihinawa at bibitaw ka na sa pagtutok talaga.

Unless totoo ang sinabi ni Marian na sa mga susunod na episode nito ay magiging palaban na siya at maghihiganti na sa mga taong nang-api at nagdulot ng labis na pasakit sa kanya.

We hope GMA will take this constructively. We have written a lot of positive features about their stars. It’s only now that we came up with this criticism.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

19 thoughts on “Mga serye ng Kapuso, ang bigat sa dibdib panoorin

  1. If you will try to open the home page of this site, you will notice na may 2 article of the same title and content but written by two different reporter. Yung isa kay Abunda and yung isa ito ngang sa Marasigan.  I dont know their intentions on this. Sinisira nila sa mga viewers ang mga teleserye na gawa ng GMA pra lumipat sa kabilang channel.  And the big question is HOW MUCH? Kc very obvious ang intention nila eh. Imagine same date ng ilabas, 2 articles with same content, same title but with two different writers. I dont want to say na typographical error lang ito.  Lumaban nmn sana ng patas ang mga bayaran lalo na ang nagbabayad.  Let the viewers be the judges. 

  2. Hindi nman kahit na ganya ang mga shows ng GMA, para sa akin maganda parin dahil meron kang mapupulot na lesson masama man xa or maganda….Para sa akin ang mga shows ng GMA ay the best ever dahil puro mka tutuhanan ito hindi kathang isip lamang. Eh hindi sa ibang shows puro pa pogi points lang…Inggit lang kayo dahil #1 parin ang GMA.

  3. Ikaw Ruben ha pare pareho lang naman ang mga telesereye sa lahat ng istasyon, ano ang bago? Bakit ngayon ka lang nagrereklamo? Ang sabihin nyo kinakabahan kayong mga taga dos kasi magaganda ngayon ang line up ng primetime sa syete.

  4. sapagkakaalam ko bagsak rating ng a beautiful affair…fantard ng ebs ang writer na eto,what do you expect sa pinoy parazzi..bayaran..

  5. Noong una, gustong gusto ko ang Aso ni San Roque, tapos naliko ang kwento, kawawa ang bata, pati anak ko nagtatanong kung ganon ba sa pilipinas na kung sino na lang daw ang nananakit sa bata, kaya ako tumigil na ako sa pagpanood, kainis na…kakamiss tuloy ang walang hanggan…

  6. As a media writer you should understand how hard it is to capture the attention of readers now-a-days, and in saying this you should understand how a director/producer and its management portrays how one projects a story to their audience.   The shows you mentioned captures deep expressive feelings and emotions that pulls audience into the story, it has real basis to what real people do and say in the real world and it is why the audience continuously watch these shows, just think, if the shows lacked those emotions do you think that the audience themselves would watch them? I think not, therefore, it means that the director/producer, the staff and the casts themselves are doing a fine job and what they do.  So, instead of bashing them, you should be congratulating them on a job well done.

      • Let me define “fantard” for you.  Fantard:  describe as a person or persons who is/are over-enthused with  a movie/tv series/book/game etc., If my being a fan is a problem to you or anyone else why do you care?  why even reply?  why be negative?  I feel sorry for you and your kind that only sees negativity where there in none to be had.  God Bless you!

  7. kaya hindi umuungos sa ratings ang mga serye ng kapuso dahil nga sa mga mabibigat na mga serye nila. pilit kasing ginagaya ang mga serye ng kapamilya eh hindi naman forte ng kapuso, mga bida pa lang ng shows nila, mga super starlets na. naku mga kapuso, lalo kayong nalugmok sa kangkungan, next time sa putikan na or worst sa imbornal na hahahaha! ito pa, dahil nasa kapatid network na ang dati nilang lady executive na si wilma nega galvante, maghanda kayo mga kapuso baka mag number 3 na kayo.

  8. to tell you honestly, oa na talaga mga palabas tungkol sa kaapihan..mga bobo din director, parang sa tingin nila mga bobo ang manonod..paulit ulit lang ang storya ng nawawalang anak, inaapi api at palaging pinagkakaitan..kung may kontrabida man sa paaralan, tingnan nyo mga alalay niya kung minsan dalawa o kayay tatlo tapos takot sa kanya..ang kontrabida parati nakakaalam sa mga sikreto ng bida bago ang pamilya nito. kung makulong ang kontrabida kahit sa kulungaan meron itong makatagpong kasabwat..pag iibig yong bida, yon din ang magugustuhan ng kontrabida. kahit mahirap ang bida, parati mag krus ang landas nila ng mayamang kontrabida..magkapitbahay kaya sila???? mga director at scriptwriter ang mga bobo!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! bobo!!!!! mga tanga!!!!!!!!!!!!!!

    • SINO BA ANG WRITER NITO,DIBA SI RUBEN MARASIGAN,ISANG BAYARANG WRITER NA MAY MONTHLY SOBRE KAY BOY ABUNDA,GET NINYO BA,HAHAH EH GANOON DIN NAMAN ANG STYLE NG MGA SCRIPT NG MGA TELESERYE NG ABS CBN, BALIKAN NINYO NGA ANG MGA NAKARAANG TELESERYE NILA, HAHAHA MAS MATINDI SILA, OVER OVER EXTENDED PA ANG NANGYAYARI, OK NA SANA YUNG MGA SIMULA, KASO NG UMAANGAT DAW SA RATING,ISIP ISIP PA ANG MGA BAKLANG WRITER, BIGLANG NAG OVER OVER EXTENSION,,HAHAH HANGANG MAWALA NA TALAGA ANG ESSENCE NG KWENTO, NAGING NAKAKATAWA ,AT NAKAKAINIS,,HAHAH EXAMPLE DIYAN AY YUNG NOAH NI PAPA PIOLO KO,HAHA 

Leave a Reply

Your email address will not be published.