MGA SENIOR CITIZEN NG MALABON, MINALTRATO

AKALA NI DRA. Pinky Casas, mailalapit niya sa aming puso ang pamilya Oreta sa ginagawa niyang panggigipit sa amin… lalo kamo niyang inilalayo ang aming kalooban d’yan sa administrasyon ni Mayor Tito Oreta!

Ito, parekoy, ang pahayag ng maraming “matatanda” sa Lungsod ng Malabon na nakaranas diumano ng pangmamaltrato noong nakaraang Disyembre.

Ayon sa impormante, ipinatawag umano ni Mayor Tito Oreta ang mga senior citizen ng Malabon City noong Disyembre 19, 2010 upang magdaos ng Christmas party.

Natural, nag-uumapaw ang kanilang kagalakan na malamang pinahahalagahan pa pala sila ng mga opisyal ng bayan… kaya naman bago pa magsimula ang nasabing party ay nagsidatingan na ang mga ito.

Ang iba, hindi kaalyado nina Mayor Tito Oreta, ngunit ayon sa mga ito, dahil sa nasabing pagpapahalaga ay desidido na sana silang iwanan ang kani-kanilang kulay-pulitika at makiisa sa mga Oreta.

Oki lang daw sana kahit wala man lang ni isang opisyal na nagpakita sa kanila, na kahit ni anino ni Mayor ay hindi nila nasilayan. Ang masakit… wala umano ni isang upuan na inihanda para sa matatanda mula sa anim na barangay na kilalang hindi kaalyado ni Oreta.

Ang nangyari, parekoy, nakatayo lamang ang matatanda na nagmula sa anim na barangay na ito, kung saan, isang matanda (Natividad Custodio) mula sa Brgy. Concepcion ang hinimatay dahil sa sobrang hirap.

Sa pag-iimbestiga, isa umanong Dra. Pinky Casas na taga-DSWD ang nag-organisa sa nasabing party na mistulang sinadya umano ang pambi-bengga sa sa mga kalaban ni Mayor Oreta sa pulitika.

Sa sobrang awa natin, parekoy, sa matatanda ay ito ang ating nasambit…

…Asal demonyo ang ganyang klaseng ugali ginang Pinky Casas!

Kung hindi mo sinasadya ang pangyayaring ito Dra. Casas, isa lang ang masasabi ko, wala kang karapatan na makialam, mag-organisa at magpatakbo sa affair ng mga senior citizen ng Malabon o ng (OSCA) dahil maliban na sa palpak kang hinayupak ka, wala ka pang moral at legal na basehan para upuan nang mahigit isang taon ‘yang OSCA!

Ngayon, kung sinasadya mo naman ang kabalbalang iyon, sa palagay mo ba nakatulong ang pangyayaring ‘yon kina Mayor Oreta?

Lalo mo lamang pinasama ang kanilang imahen sa mga mata hindi lamang ng matatanda kundi ng buong Malabon!

Lumalabas kasi na ikaw ang kalawang na sisira sa dati ng kalawanging bakal! Pwe!

Inaanyayahan ko po kayong makinig sa aking radio program na ALARMA Kinse Trenta mula Lunes hanggang Biyernes tuwing alas-6 hanggang alas-7 ng umaga sa DZME 1530 kHz (dulong kanan ng inyong talapihitan).

Sa programang ito ay inyo pong maririnig ang PAREHAS at WALANG TAKOT na pambabatikos sa mga kagaguhan ng mga taong gobyerno!!!

Maaari rin ninyong i-text ang anumang sumbong o reaction sa 0915-2121303 o mag-e-mail sa junbriones69@yahoo.com.

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.