MGA SENADOR NA TUMAYA SA LOTTO SANA WALANG MANALO! – BISHOP CRUZ Lotto jackpot mas lalo pang lumaki

IPINAGDARASAL UMANO NI dating Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz na walang manalo sa mga senador na tumataya rin sa Grand Lotto, ito ang napag-alaman kahapon ng Pinoy Parazzi.

Ayon sa report, tinawag na ganid ni Cruz sina Sen. Juan Miguel Zubiri, Sen. Francis Escudero, Tito Sotto, Jinggoy Estrada, Bong Revilla Jr. at Ralph Recto.

Ani ng obispo, nakahihiya umano ang mga inasal ng mga ito dahil hindi tamang makipag-agawan sa mga mahihirap ang mga senador sa jackpot prize.

Aniya, dapat ay makuntento sila kung ano ang mayroon sila sa buhay kaya dasal umano niyang sana ay walang manalo sa mga ito.

Unang sinabi ni Cruz na sasakit lang ang ulo ng mananalo ng jackpot prize na aabot na sa P450 million dahil magbabago ang kanyang buhay.

Posible rin umanong malagay sa alanganin ang seguridad nito.

Noong Sabado, kinumpirma ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) assistant general manager for on-line lottery department Liza Gabuyo na walang nanalo sa jackpot na P423,894,967ng Grand Lotto.

Lumabas sa Saturday draw ng 6/55 Grand Lotto ang number combination na 03-31-34-13-48-11.

Umamin naman si PCSO Chair Margie Juico na tumataya rin siya ngayon sa pag-asang suwertehin.

(RADING TORRES)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.