Mga Senador na Sangkot sa Bilyun-Bilyong ‘Pork Scam’, ‘Di Nababahala

HINDI NABABAHALA ang mga senador na isinasangkot sa bilyun-bilyong pork barrel scam sa anunsyo ng Department of Justice (DOJ) na kabilang ang ilang mga mambabatas sa mga kakasuhan nila.

Sinabi ni Sen. Bongbong Marcos na kumpleto ang mga dokumento niya sa pagri-release ng kanyang priority development assistance fund (PDAF).

“Okay lang ‘yon. Okay sa akin,” ayon naman kay Senate Minority Leader Juan Ponce-Enrile.

Samantala, maliban kina Enrile at Marcos, idinadawit din sa pork barrel scam sina Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Gregorio Honasan III at Sen. Ramon Bong Revilla Jr.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.