Mga senador, may alam sa Napoles List – Ping

MISMONG ANG mga senador ang nakakaalam kung sinu-sino pa ang nasa listahan ng tinaguriang reyna ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles.

Ito ang naging paninindigan ng da¬ting senador at ngayo’y Presidential Assistant for Re¬construction ang Rehabilitation (PARR) Sec. Panfilo ‘Ping’ Lacson makaraang umalma ang ilang kasalukuyang senador hinggil sa nasabing listahan na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin naman nasi¬siwalat kung sinu-sino ang kabilang.

“Ang nakakaalam kung sino ang nasa lista¬han ay unang-una sila rin eh,” ayon ka sa dating mambabatas.

“Alam mo haharap lang naman sila sa salamin tanungin nila ang sarili nila. Ako ba may transaction kay Jean Napoles, ang pork barrel ko ba ginamit ko sa masamang paraan, ako ba nangumisyon, kumuha ng kickback. Eh ‘di makakakuha sila ng sagot,”  pahayag pa ni Lacson.

Kabilang sa mga nagbigay ng reaksyon matapos na masiwalat ang naturang listahan umano ng negosyante ay mismong sina Senate President Franklin Drilon, Senate Majority Leader Alan Peter Caye¬tano, mga senador na sina Francis  ‘Chiz’ Escudero at Mi¬riam Defensor-Santiago.

“Kung ‘di sila kumuha ng kickback, at malinis ang pagkaka-implimenta ng kanilang pork barrel ay tiyak ‘di sila masasama sa listahan. Bukod kay Gng. Napoles, sila ang makakaalam kung sila ay masasama sa listahan, ganun lang kasimple ‘yun,” dagdag pa ni Lacson.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.