Mga senador, inupakan ni tess bondoc

INAKUSAHAN NI MA. Theresa S. Bondoc, hepe ng Archives Office ng Senado, ng pagsisinungaling at panlilinlang sa taumbayan ang mga senador na pumirma sa Japan-Philippines Economic Partnership Agreement (JPEPA), matapos magbigay ito ng talumpati kamakailan na nagsasabing ang mga toxic at nuclear waste ng Japan ay dadalhin sa bansa.

Ito ay taliwas sa mga sinasabi ng mga senador na walang anumang probisyon ang JPEPA na yumuyurak sa Saligang Batas katulad ng pagtanggap ng bansa ng mga toxic at nuclear waste mula sa bansang Hapon, ayon na rin sa RA 6969, o Toxic Substances, Hazardous and Nuclear Wastes Control Act.

Sinabi pa ni Bondoc na alam niya ang pagbebenta ng bansa sa bansang Hapon ng mga senador na pumirma sa JPEPA dahil bilang tagapangalaga ng records sa Senado ay mayroon siyang kopya na magpapatunay rito.

Ito rin ang ginagawang dahilan ni Bondoc upang makakuha ng kontribusyong salapi para sa kanyang krusada na “No To Bulacan Sanitary Landfill” na kamakailan ay napabalitang isa nang scam.

Kamakailan ay nanawagan si Bondoc sa mga ovearseas Filipino worker na magpadala ng kontribusyon sa kanyang krusadang labanan ang pag-implement ng batas na RA 9003 sa Lalawigan ng Bulacan. Ang RA 9003 ay kilala rin bilang “Ecological Solid Waste Management Act of 2000.”

Samantala, pumutok din sa media ang pagkakadispalko ng asawa ni Theresa Bondoc sa salapi ng kabataan ng Bulacan.

Ayon sa records, sinampahan ng Sangguniang Kabataan si Barangay Catanghalan chairman Wilfredo Bondoc ng mga kasong malversation, misappropriation, illegal use of public funds, falsification by public officer, grave misconduct at violation of Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Nahaharap ang asawang kapitan ni Bondoc sa mga kasong nabanggit matapos umalma at mag-sumite ng mga dokumento si Louise Anne P. Trinidad, dating SK chairman, sa Ombudsman.

Pinag-aaralan naman ng Citizens Battle Against Corruption (Cibac) na nakabase rin sa Bulacan, ang pagsasampa ng administrative case laban kay Theresa Bondoc dahil sa conflict of interest ng pagiging kawani nito ng Senado at krusada nito na labagin ang batas na ipinasa naman ng Kongreso.

Nanawagan si Conching Merallos, miyembro ng Cibac na residente ng Obando, na nararapat lang na mag-resign si Kap. Bondoc bilang barangay chairman at Theresa Bondoc bilang kawani ng Senado dahil sa mga anomalyang kinsasangkutan ng mag-asawa.

Nagbabala rin ang Cibac sa mga taga-Bulacan na huwag paloko sa mag-asawa na ginagawa nang pyramid scam ang umano’y krusada nila sa lalawigan. (Parazzi Reportorial Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Mga senador, inupakan ni tess bondoc

  1. Wala na akong masabi.Paano na tayo sa Obando.Di talagang baha at bulok na amoy na lang ang saSAPITIN.Sana po ay pag tulung tukungan natin na maisalba ang bayan natin sa kapahamakan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.