Mga senador, ‘di ligtas sa disqualification

NILINAW NI Comelec Chairman Sixto Brillantes na hindi lamang local officials ang tatamaan ng kanilang mahigpit na paghahabol sa mga lumabag sa election rules sa nakalipas na eleksyon.

Kahapon ay panibagong disqualification ang inilabas ng Comelec First Division, kung saan tinukoy ang respondent na si Mayor Benjamin Calderon ng Roxas, Isabela dahil sa vote-buying.

Maaalala na kamakailan lamang ay nadiskwalipika rin si Laguna Gov. ER Ejercito dahil sa over spending, habang ilang opisyal din sa Bulacan ang nasagasaan ng kaparehong parusa noong nakaraang linggo.

Hinimok din ni Brillantes ang publiko na idulog sa kanila ang anumang ebidensyang magpapatunay ng election offense laban sa mga kumandidato noong nakaraang halalan, kahit ito ay nasa national post.

Wala umano silang pangingilagan, maging ang mga kaalyado ng Pangulong Noynoy Aquino III mula sa Liberal Party (LP).

Samantala, mas madali ang proseso nila ng paghahabol sa mga lumabag sa Fair Elections Act kung may direktang complainant na magsusulong ng reklamo, ani Brillantes.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.