Mga Sekyu ng Unibersidad sa Ilocos Sur, Isasailalim sa Retraining

ISASAILALIM SA retraining ang mga security guards ng University of Northern Philippines sa Tamag, Vigan, Ilocos Sur.

Ito’y bunsod ng kauna-unahang kaso ng pagdukot sa isang 14-anyos na dalagita sa loob mismo ng nasabing unibersidad.

Ayon kay UNP president Dr. Gilbert Arce, maliban sa pagsisiyasat, may mananagot sa kung sinumang nagpabaya ng trabaho, lalo’t umano’y hindi namalayan at inakala ng mga guwardiya na walang masamang balak ang mga hindi nakilalang salarin na sakay ng walang plate number na black van na ginamit sa pagdukot sa estudyante. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.