Mga Scalawag na Pulis sa Culiat!

  • 0930828**** – Idol, pakiimbestigahan naman ang mga scalawag na bagitong pulis dito sa may Culiat. Halos lahat ng nanggagaling sa isang compound dito ay pinapara nila at tinataniman ng droga at pasusukahin ng pera. Kawawa naman po ang mga nabibiktima nila rito. Sana ay aksyunan ninyo.

 

  • 0912205**** – Sir Raffy, isa po akong concerned citizen ng Muntinlupa, makikiusap po ako sa inyo na bantayan ang ilang mga pulis ng CIDG-SAID dito sa amin dahil garapalan na po ang ginagawa nilang panghaharas ng mga tao. Number 1 po sila sa panghuhulidap dito. Sana po ay matigil na ang kanilang mga ginagawa.

 

  • 0949434**** – Mr. Tulfo, isa po ako sa pamilya ng OFW sa Saudi Arabia. Ang problema po ng asawa ko ay isang buwan na pong tapos na ang kanyang kontrata sa trabaho niya pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya mabigyan ng exit visa. Tulungan po ninyo kaming mapauwi ang asawa ko, maayos naman po ang mga papeles niya, ang tanging problema po ay mabagal ang proseso sa embassy. Wala na po silang makain at nagkakasakit na rin sila roon, sa harap na nga raw po sila ng embassy natutulog para palagi nilang mai-follow up kung kasama na siya sa listahan ng may exit visa. Sana po ay matulungan ninyo kami. Salamat po.

 

  • 0939731**** – Sir, ihihingi ko lang po sa inyo ng tulong na lumapit sa mga kinauukulan para sa pinsan ko na nasa Riyadh. Nakakulong po siya roon since last February. Humingi na po kami ng tulong dito sa OWWA Tuguegarao pero hanggang ngayon ay wala pa pong development. Sana po matulungan ninyo kami. Thanks po.

 

  • 0932167**** – Ako po ay taong inabuso ng ilang mga miyembro ng HPG na taga-Camp Tomas J. Pepito sa may Sto. Domingo, Angeles City, Pampanga. Isa akong driver at hinuli nila, kinuha ang lisensya ko dahil wala akong pambigay na pera. Marami po akong kasamahang driver na inirereklamo rin ang mga HPG na ito. Grabe po sila, mga walang awa sa pamilya naming mga driver. Sana po ay matigil na sila sa mga pangongotong nila.

 

  • 0948747**** – Sir, iko-complain ko lang po ang mga pulis dito sa Olongapo. Nangyari po ito noong July 1 at 2, pinasok ang bahay namin na walang search warrant at hinalughog. Wala pong tao sa bahay namin noong mga oras na iyon, nadatnan ko na lang po sila na paalis na. Mga nakasibilyan po ang ibang mga pulis na kasama sa maraming naghalughog sa aming bahay. Sana po ay matulungan ninyo kami. Salamat po.

 

  • 0942364**** – Sir, maaari po ba ninyo akong tulungan kung paano malalaman ang pangalan ng isang pulis na bumubunot ng baril sa lobby ng University Tower. Tanging ang plaka lang ng sasakyan niya ang nakuha ko. Salamat po.

 

  • 0919258**** – Idol, ire-report ko lang po na iyong LTO rito sa mag Lingayen, Pangasinan ay isang linggo nang offline. Masyado na pong abala ang dinaranas ng mga taong nagsasadya sa LTO para mag-renew ng sasakyan. Pakikalampag naman po ang mga dapat kalampagin dito. Salamat po.

 

Ang Wanted Sa Radyo ay napakikinggan sa 92.3 FM Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Kasabay itong napanonood sa Aksyon TV Channel 41.

Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-87-TULFO at sa 0917-7-WANTED.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.