MGA SANTITO’T SANTITA SA RH BILL AT STL SA PAMPANGA

DAHIL LAMANG SA posibleng pagsasabatas ng Responsible Parenthood Bill kaya mistulang batang naglupasay ang Simbahang Katoliko.

Kapag itinuloy raw talaga ang pagsasabatas nito ay sila raw mismo ang mangunguna sa “civil disobe-dience”, sukdulang makulong silang lahat.

Tsk, tsk, tsk… mukhang takutan na ang labanan ngayon, parekoy.

‘Ika nga “power-play”… huh, wala na namang pinag-iba sa panahon ng mga demonyong prayle!

Kaya nga ba gusto nila na bahala nang walang makain, maisuot na damit at walang matirhan… basta dumami lang nang husto ang populasyon sa ating bansa.

Dahil kung dumami nga naman ang mangmang na tao sa ating bansa, kayang-kaya na nilang utuin o pisilin ang ilong!

Bakit? Kasi naman, kung may pinag-a-ralan ang tao ay hindi susundin ang sinasabi nilang “civil disobedience”.

Dahil ang ibig sabihin ng civil disobedience ay huwag sundin ang patakaran… meaning, sumalungat sa batas.

Sa isang malalim na paliwanag ng sumalungat sa batas ay mag-rebelde!

Oh, nakita na ninyo, parekoy… hihikayatin tayo ng simbahan na mag-rebelde!!!

Alalahanin natin, parekoy, si Satanas ay dating anghel ng Diyos… bago pa ito nanghikayat ng iba pang anghel para mag-rebelde sa Diyos!!! Yakkkkkkkks!

SINUNGALING ANG MGA taong nagsasa-lita na hindi raw binobola ang Jueteng (kunwari STL) sa lalawigang ito.

Ilang residente, parekoy, ng Pampanga ang nakikipag-ugnayan sa atin at pinatutunayan na nagkakaroon naman talaga ng “pagbola” ang Jueteng sa kanilang lugar.

Katunayan, dala-dalawa pa nga raw ang ginagawang “pambobola” ng Jueteng… Una – taumbayan ang binobola dahil pinapaniwala sila na parehas ang labanan gayung kapag may nag-birthday na opisyal ay pompyang ang labas!

Pangalawa – binobola ang PCSO dahil pinapaniwala silang sinusunod ng lintek na Santo Papa ng Jueteng ang mga patakaran ng PCSO kaugnay sa tunay na pag-operate ng STL.

O, ano mga taga-Pampanga, naniniwala na kayo na dala-dalawa pa nga ang pambobolang nagaganap sa inyo!

Talagang mapalad kayong mga taga-Pampanga oo, hindi lamang sa may sarili kayong “lord” at ang inyong lugar ay tinaguriang “Vatican” (of jueteng nga lang)…

Mayroon pa kayong “Mama Mary”, isang makapangyarihang babae na tagapagtanggol… ng sugal nga lang! Hak, hak, hak!

INAANYAYAHAN KO PO kayong makinig sa aking programa sa radio na ALARMA KINSE TRENTA, tuwing 6-7 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes, sa DZME 1530 kHz (dulong kanan ng talapihitan).

Sa programang ito ninyo maririnig ang tunay na walang takot at walang kinikilingang komentaryo sa mga napapanahong isyu.

Maaari rin po ninyo akong marinig at mapanood sa internet, 6-7 ng umaga sa www.dzme1530.com

Anumang sumbong, i-text lang sa 09152121303 o kaya’y mag-e-mail sa junbriones69@yahoo.com

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.