Mga Sangkot sa Trahedya sa Cebu, Pananagutin ni Gov. Davide

SINIGURO NG pamahalaang lokal sa Cebu City na kanilang pananagutin ang mga responsable sa naganap na Cebu sea tragedy na ikinasawi ng nasa 34 katao.

Ayon kay Cebu Governor Junjun Davide III, sinuman ang may kasalanan ay dapat na managot.

Aniya, sa kasalukuyan, nakatutok muna sa paghahanap ng nasa 85 mga nawawala ang lokal na gobyerno kasama na ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG), Philippine Navy at divers na tumutulong sa search at retrieval operation.

Nabatid na narekober ng mga diver ang dalawang bangkay mula sa ilalim ng dagat na kaagad dinala sa Cosmopolitan Funeral Homes para sa kanilang pagkakilanlan.

Base sa report, ang naturang mga bangkay ay isang babae at isang lalaki.

Dahil dito, umakyat na sa 34 ang bilang ng namatay, 85 pa ang nawawala.

Samantala, narito ang opisyal na listahan ng mga casualties sa nangyaring Cebu sea tragedy sa Talisay City, Cebu mula sa Philippine Coast (PCG) at Philippine Navy.

23 casualties out of 34 recovered cadavers: Jessa Mae Facia, Cresenciana Colepo, Evelyn Caro, Vicente Angkla – Surigao City; Artemia Bunutan, Lolita Butao, Hilario Maligro – Agusan Del Sur; Jane Sanchez – Butuan City; Armeda Manalon – Agusan Del Sur; Peojenes Jabenes, Niceta Angkla – Surigao City;

Romulo Escrupulo, Alfonso Camanso, Dominggo Anunat – Lapu-Lapu City; Jonathan Cabaral – Bulacan;

Nelin Menia – Lucena City; Antonio Arbotante, Joshua Rene Diaz – Davao City; Cherry Durano, Julius Flores, Eujenia Balawit, Honorata Laag at Quenny Galupe.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.