Mga Sangkot sa ‘Sex-For-Fly’, Ikulong

IGINIIT NG ilang mambabatas na dapat managot sa batas at makulong ang mga opisyal ng embahada ng Pilipinas sa ibang bansa na sangkot sa pang-aabuso at pagmomolestiya ng mga kababayang overseas Filipino workers (OFWs).

Kasunod ito ng report ito kaugnay ng kontrobersiyal na “sex-for-fly” scheme sa Kuwait kung saan bago makauwi ng Pilipinas ang ilang nagkaproblemang Pinay ay makikipagtalik muna sa ilang opisyal ng embahada.

Sinabi ni Senate foreign relations committee chair Loren Legarda na hindi dapat palampasin ang mga opisyal ng

gobyerno at patawan ng kaukulang kaparusahan sakaling mapatunayan sa ginawa nilang pag-abuso sa mga kababayan.

Ayon naman kay Sen. Pia Cayetano na siyang Chairperson of the Senate Committee on Youth, Women and Family Relations, ito aniya ang pinakamalalang kaso ng pang-aabuso sa mga kababayang nakikipagsapalaran sa iba-yong dagat kaya’t dapat imbestigahan ito at pananagutin ang mga suspek.

Samantala, ikinadismaya naman ng senadora ang pangyayari dahil sa halip aniya na tulungan ng mga opisyal ng gobyerno ang mga kababayang sinawing palad sa kanilang trabaho ay inabuso pa.

“When those who are tasked to protect our women are the very ones who perpetuate such a ghastly and disturbing act, then these predators should be charged, jailed and banned from holding public office,” ani pa ni Cayetano.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.