Mga Residente, Sinabihang ‘Wag Lalabas ng Bahay Bago ang Quezon Operation

SINANG-AYUNAN NG ilang mga residente ang ginawang re-enactment ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Barangay Lomotan, Atimonan, Quezon.

Pero dahil pinagbawalan umano sila ng mga pulis at sundalo na lumabas ng bahay noong kasagsagan ng operasyon kung saan 13 sakay ng dalawang Montero ang namatay.

Sinabi ng mga residente na walang itina-yong karatula na may checkpoint at nakasibilyan lang ang mga armadong lalaking kasama ng mga sundalo at pulis sa kalsada.

Ayon naman sa kapitan ng barangay na si Leticia Camba, hindi malinaw sa kanila kung ano ang pakay ng mga sundalo at inakala ni-lang may paparahin lang ang mga ito.

Samantala, lumalabas na wala ring koordinasyon sa lokal na pamahalaan ang operasyon.

Ayon kay Atimonan Mayor Atty. Jose Mendoza, kailanman ay wala pang naitayong checkpoint doon bago ang nangyaring insidente.

Sa ngayon, hinihintay na lang ang kumpletong resulta ng pagsisiyasat ng NBI.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.