Mga Reklamo ng Vote Buying, Iniimbestigahan ng Comelec at PNP

TINIYAK NG Commission on Elections (Comelec) na inaaksyunan din nila ang mga reklamo ng vote buying ngayong eleksyon.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, tulad ng media ay nakatatanggap din sila ng mga litrato at video ng umano’y pamimili ng boto ng ilang kandidato sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Bineberipika anya nila ang mga ito katuwang ang Philippine National Police (PNP) na siya namang na-nghuhuli at nagpapanagot sa mga sangkot sa kaso.

Sinabi ni Jimenez na mainam na may mga litrato at video na magsisilbing ebidensya sa vote buying.

Pero mas malakas ang kaso kung may testigong lulutang at magpapatunay sa mga nakuhanang ilegal na aktibidad.

Samantala, payo naman ni Comelec Chairman Sixto Brillantes sa mga kandidato at botante na nag-rereklamo ng vote buying, ngayon pa lang ay mag-ipon na ng mga ebidenysa dahil mahirap itong patunayan sa korte.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

One thought on “Mga Reklamo ng Vote Buying, Iniimbestigahan ng Comelec at PNP

  1. Pingback: Mga Reklamo ng Vote Buying, Iniimbestigahan ng Comelec at PNP - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.