Mga rebelde, malaya ngayong magliwaliw!

MALAYA NGAYON ANG mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na magliwaliw sa anumang sulok ng bansa ngayong araw na ito.

Kasunod ito ng deklarasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ng isang araw na Suspension of Offensive Military Operations (SOMO) bilang pakikibahagi sa United Nations Internatonal Peace Day na gugunitain ngayong araw na ito (September 21, 2100).

Ayon kay Lt. Col. Arnulfo Marcelo Burgos Jr., tagapagsalita ng AFP, epektibo ang 24-hour SOMO alas 12:01 ng hatinggabi kagabi at magtatapos mamayang alas-12:00 ng hatinggabi.

“Bibigyan natin ng pagkakataon ang mga rebelde na nasa kabundukan na makauwi sa kanilang pamilya at maging normal ang pamumuhay kahit isang araw,” ayon kay  Burgos.

Ang nasabing kautusan ay pi-nirmahan ni AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Oban, Jr. noong September 18.

Gayunman, tiniyak ni Burgos na patuloy pa ring nasa defensive mode ang militar o patuloy pa rin ang defensse measure upang bantayan ang mga publiko laban sa magsasamantala sa SOMO.

Makikipagtulungan pa rin ang militar sa Philippine National Police (PNP) upang rumesponde naman sa mga rebeldeng may warrant of arrest. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.