Mga Pulitikong Gumagamit ng ‘Armed Group’ sa Kampanya, Minamatiyagan

MARIING TINUTUTUKAN at minamatiyagan ng Task Force SAFE 2013 ang mga pulitiko na gumagamit ng mga private armed groups (PAGs) sa panahon ng kampanya.

Ayon kay Task Force Safe 2013 Commander Deputy Director General Allan Purisima, ngayon pa lamang, puspusan na ang  ginagawang paghahanda upang masigurado na maging mapayapa at maayos ang eleksiyon sa susunod na taon.

Bahagi ng kanilang

paghahanda ang pagmamatiyag sa mga pulitiko sa iba’t ibang bahagi ng bansa na gumagamit ng private armed groups.

Base sa nakuha nilang impormasyon, may mga armadong grupo na nag-aalok ng serbisyo na ang katumbas ay malaking halaga. Nabatid na ilang mga pulitiko ang kumukuha ng kanilang mga serbisyo, ani ng opisyal.

Samantala, inihayag naman ni Purisima na patuloy sa pangangalap ng ebidensya ang TF SAFE laban sa mga bayarang private armed groups. (PARAZZI

REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.