Mga Pulitikong Ginagamit ang Pagsu-Suicide ng UP Student, Binatikos ng CHED

BINATIKOS NI Commission on Higher Education (CHED) Chairperson Patricia Licuanan ang mga pulitikong tila ginagamit ang pagpapatiwakal ng isang first year student ng University of the Philippines (UP) Manila para isulong lamang ang kanilang political agenda.

Ayon kay Licuanan, sobra na ang ginagawang pananamantala ng ilang pulitiko para gamitin pa sa pamumulitika ang isang napakasensitibong isyu.

Idinagdag pa ng tagapamuno ng CHED na ayaw muna sana niyang magsalita lalo na’t nagdadalamhati pa ang pamilya at mga kaibigan nito.

Matapos kumalat ang balitang nagpakamatay si Tejada bunsod ng umano’y hindi mabayarang tuition fee, agad nagsulputan ang kaliwa’t kanang pahayag mula sa mga pulitiko patungkol sa naturang  isyu sa pamamagitan ng social media at press releases.

Karamihan ay mga kandidato sa nalalapit na May 2013 midterm elections.

Sinabi ng CHED na nagsasagawa na sila ng pagsisiyasat hinggil sa insidente.

Nanindigan naman ang CHED na suportado nito ang pag-rationalize ng tuition fee at pagbibigay ng financial assistance sa mga estudyanteng na-ngangailangan.

Para naman sa ilang militanteng grupo, kasalanan ng pamahalaan ang pagpapakamatay ng isang estudyante dahil sa hindi mabayarang matrikula.

Isinisi ng Anakbayan sa umano’y palpak na polisiya ng administrasyong Aquino pagdating sa edukasyon ang pagpapatiwakal ng biktima.

Samantala, kinondena naman ng National Youth Commission ang umano’y “no late payment” policy ng UP Manila.

Pero sa pahayag ng UP Manila, nilinaw na nabigyan nila ng student loan ang estudyante noong unang semestre. Napalawig pa umano ang pagbabayad hanggang Nobyembre 30, 2012 at muli pang na-extend hanggang Disyembre 2012.

Bago matapos ang Enero 2013, umapela umano ang ama ng biktima ng panibagong loan ngunit dahil nasa kalagitnaan na ng semestre, hindi na ito inaprubahan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.