Mga Pulis, Puwede Nang Manghuli ng mga Pirata

LUMAGDA SA isang memorandum of understanding (MOU) ang Philippine National Police (PNP) at Optical Media Board (OMB) upang bigyan ng kapangyarihan ang mga pulis na manghuli ng mga nagbebenta ng piniratang DVD.

Ayon sa kasunduan ng dalawang ahensiya, magiging deputized na ng OMB ang PNP sa susunod na dalawang buwan o 60 na araw.

Maaari nang pagkalooban ng inspection orders at authorization certificates ang mga PNP team leader na manghuli at mangumpiska ng mga piniratang DVD VCD at iba pang media optics.

Sa bisa ng pinirma-hang MOU, awtomatikong isasantabi ang conflict of jurisdiction na magbibigay kalayaan sa PNP sa pagsasagawa ng operasyon kontra pirata.

Kailangan namang magsumite ang PNP ng accomplishment report at i-surrender sa OMB ang lahat ng masasamsam nito sa pagtatapos ng implementation period na 60 na araw.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.