MGA PULIS-PASIG, SININDAK NG MGA TAGA-DOJ

NABULAGA ANG MGA pulis na nakatalaga sa Womens and Children Protection Desk (WCPD) ng Pasig City Police matapos na sindakin sila ng apat na lalake na nagpakilalang mga kawani ng Department of Justice (DoJ) kamakalawa ng gabi.

Ayon kina SPO4 Digna Cas at PO2 Raquel  Dalaota, dakong alas-11:00 hanggang alas12:00 ng gabi at  abalang  nag-iimbestiga kaugnay sa reklamo ng isang dalagang itatago natin sa pangalang Melanie , 30-anyos, , residente ng C. Salvador St., Loyola Heights, Quezon City, nang maganap ang insidente.

Nabatid na inirereklamo ni Melanie, ang suspek na si Joel Nice  Gabutin, 39-anyos, may-asawa, security guard, residente naman ng Libis Tayuman, Binangonan, Rizal, na unang inaresto at pinosasan ng mga security guard ng Robinson’s Metro East sa Brgy. Dela Paz, Pasig City dahil sa panghihipo.

Ayon kay SPO4 Cas, habang iniimbestigahan ni PO2 Dalaota, ang reklamo ni Melanie ay biglang dumating  ang apat na mga kalalakihan, dalawa rito ay nakilalang si Angelo Carlos, umano’y amo ng suspek na si Gabutin, at isang nagpakilalang taga-DoJ na si Denzil Gaskell, na nakatalaga bilang  Administrative Aide III.

Kinukuwestiyon umano ng mga suspek ang ginagawang imbestigasyon laban sa kanilang tauhan at kung bakit ito nakaposas.

Kasabay nito ay sinindak pa sila na babaliktarin nila ang kaso at babalikan ang mga pulis na humuli sa kanilang tauhan.

Inaalam na nang pulisya kung ang mga suspek ay mga lehitimong tauhan ng DoJ.

(GIGI CONVACAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.