Mga Pulis Na-Wow Mali sa Pagdukot

NA-WOW MALI ang mga pulis sa inireport na pagdukot sa truck helper sa Navotas kamakalawa ng gabi.

Ayon sa saksing si Dante Merano, 36, alas-10:30 ng gabi, namamasada siya ng pedicab sa Honorio Lopez Blvd., sa San Rafael Village ng lungsod nang mapansin ang isang lalaki na sapilitang isinakay ng mga kapwa lalaki sa van na (XAW-353) bago mabilis na sumibad.

Itinawag ng saksi sa mga pulis ang pangyayari at agad na nagsagawa ng operation.

Nasabat ng mga pulis ang van sa Rizal Avenue Ext., Caloocan City at naharang bago dinala ang mga sakay sa Navotas Police.

Sa isinagawang im-bestigasyon, lumalabas na ang dinukot ay nakilalang si Francis Sapico, 27, at ang mga dumukot ay ang anim na mga kasamahan sa trabaho.

Lumalabas din na biniro ng mga kasamahan si Sapico na sapilitang isasakay sa van subalit parang naging makatotohan dahil sa saksi.

Dahil dito, pinakawalan ang mga magkakasama sa trabaho subalit pinuri naman ni Supt. Ferdinand Del Rosario, PIO ng Northern Police District ang mga kapulisan dahil sa mabilis na pagkilos maging totoo man o hindi ang ini-report sa kanila.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.