Mga Pulis na Sangkot sa Illegal Checkpoint sa Central Luzon, Pinaiimbestigahan

PINAIIMBESTIGAHAN NA ng Philippine National Police (PNP) ang ulat na may ilang grupo ng mga awtoridad sa Gitnang Luzon na nagsasagawa ng mga checkpoint nang walang koordinasyon sa mga lokal na pulis.

Sinabi ni PNP Spokesman Chief Supt. Generos Cerbo na kaugnay ito ng report mismo ng PNP sa dalawang insidente ng checkpoint na naiulat sa bayan ng Mariveles at Bagac, Bataan.

Ang naunang walang koordinasyon na checkpoint ay inilatag sa Karagatan E-Road, Barangay Alas Asin, Mariveles na pinamumunuan ng isang nakilalang Police Inspector Brilliant Manlutc at walong iba pa.

Ang ikalawang insidente ay namataan naman sa NPC housing sa Bagac, Bataan ng grupong pinamumunuan ni Chief Inspector Jay Maandal at 12 iba pang pulis.

Ayon kay Cerbo, inatasan na ni PNP Chief General Allan Purisima sina Central Luzon Police Director Chief Sup. Edgardo Ladao at Bataan Police Senior Supt. Ricardo Sapata na siyasatin ang reklamo.

Nais naman na tiyakin ni Ladao na hindi magagamit ang mga PNP personnel sa partisan politics sa panahaon ng eleksyon, dagdag ni Cerbo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.