Mga Pulis na Protektor ng Droga sa W. Visayas, Tukoy Na

BILANG NA ANG araw ng mga pulis na protektor sa pagpapakalat ng ipinagbabawal na droga Western Visayas at natukoy na rin ang kanilang pagkakakilanlan.

Ito ang naging babala ni Chief Supt. Cipriano Querol Jr., director ng Police Regional Office 6, na nagsabing patuloy ang pangangalap ng kanyang tanggapan ng mga ebidensiya at pagmo-monitor sa mga pulis na hindi muna pinangalanan upang masampahan ng kaukulang kaso.

Pinaalalahanan ni Querol ang kanyang mga tauhan na bago sila maglinis sa labas, dapat linisin muna ang kanilang bakuran kasabay ng pagbibigay ng katiyakan sa publiko na ang PRO-6 ay minamanmanan na ang nasabing mga pulis.

“We will relieve them from their posts, so as not to give them opportunity to link with drug dealers,” dugtong pa ng opisyal.

(ZUNATO TUAZON)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.