Mga Pulis na Matibay pa ang Mukha Kaysa Pader!

0910348xxxx – Sir Tulfo, sana po sa pamamagitan ng inyong programa ay mapaimbestigahan ang mga pulis ng Alabang. Ang isang mobil patrol na mayroong plate number na SHP-685 na nakapuwesto sa lugar ng Zapote Road ay walang

pakundangan na nangongotong. Imbis na mag-checkpoint, pang-aabuso sa kapwa ang ginagawa nila. Hindi pa po makuntento sa perang iaabot ng nasabing motorista. Ang sasabihin pa po ay kulang pa itong pang-meryenda. Kaya talagang matitibay ang mga mukha ng mga pulis na ito. Sana po ay maipahatid ninyo sa kanilang pinuno ang ginagawa ng kanyang mga tauhan. More power po sa inyong show.

 

0947310xxxx– Mr. Action Man, nais ko pong isumbong ang isang iligal na sugalan dito sa Barangay Paciano, Calamba City, Laguna. Napakatagal na panahon na pong nag-o-operate ang sugalang ito. Ang responsable po sa sugalang ito ay si Mr. Rommel Andresa. Matagal na po naming pinakikiusapan ang taong ito na itigil na at isara na ang pasugalang ito, pero nananatili siyang bingi at gahaman sa pera. Ang kanya pong katuwiran ay nakikinabang ang mga pulis at barangay sa aming lugar. Napakarami na po ang napeperhuwisyong pamilya rito. Imbis na pambili na ng bigas at pagkain ay natutukso pa sa pagsusugal sa pagbabakasakaling manalo. Sana po ay mabigyan ninyo ng pansin ang aming problema.

 

0928424xxxx – Mr. Raffy Tulfo, pakipasadahan naman po ang mga pulis dito sa lugar ng Las Piñas sa Golden Acres Annex, Presinto 6. Ang kanilang paniket ay ginagamit nila para makapangotong. At ang isa pa po, kapag sila ay nasa checkpoint, imbes na abangan ang mga kriminal na mapanganib, ang kanilang ginagawa ay abangan ang mga nagmo-motor at ang kanilang mga violation para makapanghingi ng pera. Palagi po itong nangyayari tuwing hapon o pagabi na. Sana po ay masolosyunan ninyo ang aming problema. Maraming salamat po.

 

0905162xxxx – Mr. Idol, isa po akong concerned citizen. Ako po ay taga-Pacita, San Pedro, Laguna. Nais ko lamang pong ipaalam sa inyo na ang mga barangay tanod na pang-gabi rito sa aming lugar ay mga kargado ng  baril. Ang mahirap po rito, ginagawa nilang panakot sa mga tao ang kanilang mga armas. Masyado na po ang ginagawa nilang pang-aabuso. Sana po ay mabigyan ninyo ng leksyon at maparusahan ang mga walang kuwentang mga tanod na ito. Salamat po.

 

0918342xxxx – Idol Raffy, nais ko pong ipaalam sa inyo ang isang kumpanya ng towing dito sa lugar ng Sumulong Highway. Ang pangalan po ng kompanyang ito ay Jawlynx. Wala pong pakundangan kung humatak ng mga sasakyan ang kumpanyang ito. Magugulat na lamang po ang may-ari ng sasakyan dahil bigla na lamang pong sumasampa sa sasakyan ang mga ito. Hindi pa po sila makuha sa pakiusap at pagmamakaawa. Walang puso ang may-ari at mga tauhan ng nasabing towing company. Sana po ay mabigyan ninyo ng karampatang solusyon ang ginagawang pagmamalabis ng mga ito. Salamat po at mabuhay po kayo.

 

ANG INYONG mga sumbong ay masosolusyunan at mapapakinggan sa programang WANTED SA RADYO 2-4 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes sa 92.3 News fm. At mapapanood sa Aksyon TV Channel 41.

Para sa inyong mga reklamo mag-text sa 0917-7-WANTED o 0908-87-TULFO. Maaari ring magsadya sa aming Aksyon Center na matatagpuan sa 163-E Mother Ignacia Avenue, Brgy. South Triangle, Quezon City.

Shooting Range
Raffy Tulfo

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.