Mga Pulis at Sundalo na Sangkot sa Atimonan Incident, Sinubpoena ng DOJ

IPINAG-UTOS NA ng Department of Justice (DoJ) sa binuong panel of prosecutors ang pag-subpoena sa mga pulis at sundalong kinasuhan sa nangyaring Atimonan incident noong Enero 6, 2013 kung saan 13 tao ang nasawi.

Sinabi ni Senior Assistant Deputy State Prosecutor Theodore Villanueva, ang tumatayong chairman ng panel na pinadadalo ng korte sa isasagawang preliminary investigation ang nasa 21 mga PNP officials at 14 na mga AFP officers at enlisted men.

Kaugnay nito, itinakda ng panel of prosecutors ang preliminary investigation sa darating na Abril 8, dakong alas-2:00 ng hapon.

Samantala, babala naman ni Villanueva na sakaling hindi sisipot ang mga nakasuhan, ituturing na ipinauubaya na ng mga respondent ang kanilang karapatan at reresolbahin na lamang nila ito sa mga dokumento na hawak nila.

Maliban naman  sa PNP at AFP personnels, kabilang din sa pinadalhan ng subpoena ay ang mga complainants o kaanak ng mga napaslang sa sinasabing rubout incident.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.