Mga Prosti sa Caloocan, Protektado ni Chairman

PROTEKTADO UMANO NG isang barangay chairman ang mga naglipanang kabaro ni Magdalena na naglalako ng panandaliang-aliw na nagdudulot ng pagkalat ng mga sakit sa babae sa Caloocan City.

Ayon sa mga residente ng Barangay 120 ng nabanggit na lungsod, walang ginagawang anumang aksiyon ang kanilang chairman na si Antonio Duran laban sa mga kalapating mababa ang lipad na kinakalakal ang kanilang sarili.

Nakikita ang mga nasabing angkan ni Magdalena na nag-abang ng customer tuwing gabi sa kahabaan ng Rizal Avenue Ext. kanto ng 2nd Ave. partikular sa harap ng Marksman Hotel at Venus Hotel.

Sinabi pa ng mga constituent ni Duran, walang ginagawang anumang aksiyon ang kanilang chairman laban sa mga kala-pating mababa ang lipad na kinakalakal ang kanilang sarili.

Karamihan sa mga nagbebenta ng katawan ay mukhang may mga sakit dahil namumutla ang kulay ng mukha at balat habang ang mga kulay ng dalawang mata ay kahalintulad sa bilasang isda, bukod pa sa may tumutubong pantal sa braso.

Idinagdag pa ng mga residente na si Chairman Duran ang dapat unang gumagawa ng aksiyon para mawala ang mga kababaihang nagbebenta ng katawan mismo sa kanyang barangay.

Sinasabi pa ng mga residente, kung paanong patay malisya lang ang kanilang chairman sa nag-lipanang prosti sa kanilang lugar, wala rin silang maasahan sa kapulisan sa Caloocan at maging sa kanilang mayor na si Recom Echiverri. Mistulang ningas-kugon lang umaksiyon ang mga ito, at nagpapalaki lang ng kanilang mga tiyan sa kani-kanilang tanggap, ayon pa sa mga nagrereklamo (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.