Mga Presinto Para sa Mano-Manong Bilangan, Napili na

KUMPLETO NA ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpili ng mga clustered precincts na siyang pagdadausan ng tinatawag na random manual audits, para matiyak na walang aberya sa machine-generated results ng 2013 midterm elections.

Sinabi ni Comelec chairman Sixto Brillantes na kabilang sa mga ito ay 234 legislative districts. Sa nasabing mga areas aniya gagawin ang mano-manong pagbilang ng mga boto at ihaham-bing ang resulta nito sa nabilang na boto ng precinct count optical scan (PCOS) machines.

Matatandaan na na noong Biyernes, napili ng random manual audit committee ang 234 priority cities at municipalities at 234 contingency areas kung saan gagawin ang manual counts of votes.

Samantala, sa rekord ng Comelec, mahigit sa 52 million registered Filipino voters ang inaasahang boboto nga-yong araw para sa mga bagong senador, partylist at district representatives at mga local officials.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.