Misyon Aksyon: Mga Piyesa ng Energy Saver, sa Raon binibili?!

SIR, NABASA KO po sa inyong kolum ang tungkol sa tinatalakay ninyong energy saver na peke na ibinebenta ng BSGE Consumer Enterprises. Nais ko sanang ipaabot sa inyong kaalalaman na ang mga piyesang ikinakabit nila sa energy saver ay sa Raon sa Quiapo lamang nila binili nang mura para mabuo ang nasabing aparato.

Sa katunayan po, isa sa mga tauhan ng kumpanya ang siyang inuutusan na mamili ng mga piyesa. Pero kung ideklara nila, galing umano sa ibang bansa at imported ang aparato. Pero ang katotohanan, sa Raon lang pala nila binibili.

Ganito nga po ang ginagawa nila sa kanilang mga produktong Electronic Appliance Prtotector Powerex AP 2500 Reactor  (Inductor), Powerex AP 5000 Heavy Duty Transformer/ Reactor (Inductor), Powerex AP 60 AS Heavy  Duty Transformer/Reactor ( Inductor), AP 100 AS Aircon Controller-Cylic Timer, Powerex AC 2.5 HP F1 15000-Cylic Timer, Powerex F1 1500 Electronic-Energy Saving Ballast, at Powerex P 4020. Kaya nakababahala po ang mga produktong ito.

Sa katunayan pa rin po, ang kanilang technician na si Rizaldy Castanas ang siyang ginawang proprietor ng JEPSON Electronics, na arawan lang ng may-ari ng BSGE Consumer Enterprises na pag-aari ni Sonny Buenaventura. At ang kanilang iniisyung resibo ay provisional receipt lamang. Kaya, marami silang paglabag sa batas.

Umaasa po kami na magsasagawa ng pagsusuri ang BIR ukol dito, gayundin ang iba pang ahensiya ng gobyerno na nakasasakop sa isyu ng nasabing kumpanya. – Mr. Tony ng Makati

PAGING DOE SEC. Angelo Reyes at DTI Sec. Armand Favila… mga Sir, pakiimbestigahan naman ang kumpanya ng energy saver device na BSGE Consumer Enterprises na pag-aari ni Sonny Buenaventura, sa dahilang malaki ang kanilang obligasyon sa merkado. Ayon nga sa isa nating kababayan, hindi totoo ang kanilang produktong nagkalat sa merkado.

Para naman sa mga nabiktima ng nasabing kumpanya, maaari kayong tumawag sa Pinoy Parazzi para masampahan natin ng demanda ang may-ari nito na patuloy na nambibiktima sa mga kababayan nating salat sa kaalaman sa teknolohiya.

Para kay Sonny Buenaventura, Sir, bukas po ang aking kolum para sa inyong panig at kapaliwanagan.

SA SUSUNOD, ANG iba pang mga kumpanya na nagbebenta ng pekeng energy saver device ang ating isisiwalat.

Misyonaksyon@yahoo.com, arnel_petil@yahoo.com arnelpetil@gmail.com http://misyonaksyon.blogspot.com

Sa mga texter at nagpapadala ng e-mail po sa inyong lingkod na nais huwag mailabas ang inyong buong pangalan, kayo po ay maaaring gumamit ng“alyas” subalit kinakailangan pa ring ibigay ang inyong kumpletong pangalan at address. Maaaring samahan pa rin po ninyo ng mga supporting documents na magpapatibay o makatutulong sa mga suliranin na inyong idinudulog at kung alyas o codename lamang ang inyong gagamitin ay hindi mailalathala. Para po ito sa kapakanan ng bawat panig.

Misyon Aksyon
Arnel Petil

loading...

2 thoughts on “Misyon Aksyon: Mga Piyesa ng Energy Saver, sa Raon binibili?!

  1. Dear Arnel Petil:

    Thank you for the information. With reference to the issue, I’m one of the victim. Beware Palawaños MR. DINDO A. GANIBAN (Supervisor), Palawan sales agent is endorsing/selling the product (POWEREX under BSGE CONSUMER ENTERPRISES PHILIPPINES, Medalla BLDG.RM.406 #1 MACARTHUR ST.COR. EDSA ARANETA CENTER CUBAO QUIZON CITY
    TEL.632-438-7708, FAX 632-439-6446) with registration of 1,500 as reservation payment to avail discount of the installation fee and purchase of the unit worth 8,000.00. Client without registration fee will pay 16,000.00 for procurement and installation fees.

    -PALECO please investigate their authorization certificate from your end to install said unit because they have supporting papers from you.

    -BIR please investigate their official receipt, they also provide OR upon partial payment of registration.

    -We are calling the attention of media in Puerto Princesa City to disseminate this information.

    -PNP/CIDG/NBI we need you to sue this scammer ASAP if possible , thank you very much.

    We would appreciate your immediate attention to this matter.

    Very truly yours,

    Cris

  2. Ako po ay taga Davao City, at isa po ako sa biktima ng Powerex na yan. Last April 18, 2012 lang po namin nabili ang produkto after a month na kinabit nila ang powerex nag taas ng 1000 pesos ang bill ko. sa second month na billing ko tumaas ulit ng 2000 pesos. di rin po official receipt ang  gi issue nila sa akin sa pag fully paid ko ng produkto. sana mahuli sila at matigil na ang panloloko nila sa consumer.. ngayon tinatawagan ko sila di na nila sinasagot ang tawag ko. please po makitulungan nyo ako saan ako pwedeng humingi ng tulong. Salamat po.

Leave a Reply

Your email address will not be published.