Mga Pinoy, Witness ng US Kontra 7-Eleven Job Fraud Case

GAGAMITIN UMANONG testigo ng US authorities ang 18 Pinoy na biktima ng “immigrant-worker fraud” matapos mailigtas ang mga ito sa iba’t ibang 7-Eleven stores sa New York at Virginia.

Sinabi ni Philippine Ambassador to Washington Jose Cuicia Jr. na agad umanong nakipag-ugnayan ang kanyang tanggapan sa US Immigration and Customs Enforcement Agency matapos ang isinagawang raid ng mga awtoridad sa nasabing mga convenience stores kung saan nagtatrabaho ang mga manggagawang Pinoy.

Una nang natuklasan na ginagamit ng mga store owners ang ilang undocumented immigrants, kabilang ang ilang Pinoy at Pakistani nationals, para magtrabaho sa kanilang establisyemento gamit ang mga “stolen identities”.

Kasama naman sa mga nadakip ay siyam na foreign nationals at isang Pinoy store owner na kinilalang si Ramon Nanas.

Si Nanas ay nasa kostudiya na ng US authorities.

Samantala, itinakda naman ng mga kinauukulan ang pagdinig sa kaso sa July 18 sa Eastern District Court sa New York.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.