Mga Pinoy, visa-free na sa Japan

HINDI NA mahihirapan ang mga Pinoy workers na pumunta sa Japan matapos na umano’y aprubahan ng Japanese government ang pagbibigay ng “visa-free” entry bilang pribilehiyo sa mga Filipino nationals.

Base sa ulat ni Phl Ambassador to Japan Manolo Lopez na maaari nang mag-travel ang mga Pinoy sa naturang bansa na tinaguriang “land of the rising sun” nang walang hinihinging visa simula sa Hunyo 2014.

Sinabi ni Lopez na hinihintay na lamang ng Embahada ng Pilipinas sa Tokyo ang opisyal na abiso ng Japanese government hinggil sa pribilehiyo para sa mga Filipino.

Isa ang bansang Hapon sa mahigpit na bansa pagdating sa pag-aapruba ng visa applications.

Layunin ng pagbibigay ng visa-free entry ay para lalong iangat ang ekonomiya ng Japan mula sa inaasahang pagdagsa ng mga turista at mamumuhunan.

Ayon pa kay Lopez, simula ng administrasyon ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe noong Disyembre 2012 ay unti-unting umaangat ang kanilang ekonomiya at nais umano nilang mapanatili at mapayabong pa ito sa pamamagitan ng pag-imbita ng mga turista mula Southeast Asia.

Target rin umano ng naturang bansa na makapagtala ng 20 milyong tourist arrivals sa loob ng anim na taon.

Pinaghahandaan naman ng Japan ang gaganaping 2020 Olympic Games dahil ito ang magsisilbing host ng nasabing palaro.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.