Mga Pinoy sa HK, Takot na Takot

MATINDING TAKOT ANG nararamdaman ng hindi nagpakilalang 30-taong gulang na Pinay na kasalukuyang naninilbihan sa Hong Kong bilang nars na gumala-gala kung saan nagkalat ang mga Tsino sa dahilang ginawan siya ng mga ito ng masama dahil sa nangyaring hostage drama na ikinamatay ng walo sa kanilang mga kababayan noong Lunes.

Walang pagsidlan sa galit at pagluluksa ang mga mamamayan ng Hong Kong sa naganap na pangho-hostage at matapos na pumalpak ang kapulisan sa pagresolba sa kaso.

Kumakalat ngayon sa Facebook ang mga mensaheng pagpapahinto ng Hong Kong sa pagtanggap ng mga Filipino domestic workers dahil sa sama ng loob ng mga Tsino sa bansa.

Dahil sa  mga naglalabasang mensahe, nababalot ngayon ng takot at pangamba ang mahigit 200,000 Filipino community na karamiha’y nagtratrabaho bilang domestic helpers sa Hong Kong.

May lumabas ding report na mayroong tatlong Pinay na namamasukang kasambahay ang pinatay ng kanilang mga amo matapos mabalitaan ang hostage crisis at ang isa pa’y binuhusan ng asido sa mukha.

Sa ngayon, hindi pa naman napapatunayan kung totoo o gawa-gawa lamang ang mga nasabing report.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

5 thoughts on “Mga Pinoy sa HK, Takot na Takot

  1. andaming nadamay sa kagagawan ng ilan nating kababayan…
    pulis na bopols rumesponde
    media na walang pakialam kahit hindi na dapat ibalita
    presidenteng nakangiti habang nagbbigay ng simpatya sa namatayan
    at ang mga hinayupak na students na walang humpay sa pag kuha ng pictures na naka smile, mga walang breeding!
    ang nag susuffer ung mga kababayan natin na wala nmang ginawa kundi kumita ng perang pampadala sa pinas..
    haaayyyy!

  2. tama!! lalo na ngyun may mga filipina citizens na pinatawan ng bitay ng china.kalerky..bka si singson ganun din ang gawin sa knya,.nkakatakot nmn,waaaa.

  3. Sana Kung totoo man yan news na yan or Hindi pa imbistigahan nyo na ng maaga… kakaawa mga OFW sa hk bago pa mahuli ang lahat!

Leave a Reply

Your email address will not be published.