Mga Pinoy sa Chile, ligtas sa lindol

PATULOY ANG pakikipag-ugnayan ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa embahada ng Pilipinas sa Chile hinggil sa kalagayan ng may 183 mga Pinoy na nakabase sa naturang bansa, kasunod ng pagtama ng 8.2-magnitude na lindol.

Sinabi ni DFA spokesperson Chales Jose na hanggang sa ngayon ay wala naman silang natanggap na ulat na may nasaktan na kababayan sa insidente.

Pinapayuhan naman ng opisyal ang pamilya ng nasabing mga Pinoy na puwedeng tumawag sa kanilang tanggapan o makipagugnayan sa Migrant Workers’ Affairs para sa mga specific information.

Samantala, pinawi na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pangamba ng publiko sa posibleng tsunami threat kasunod nang 8.2-magnitude na lindol na tumama sa Chile.

Inihayag ni Phivolcs director Renato Solidum na hindi na umano nila inaasahan na magkakaroon pa nang malaking banta sa mga coastal areas ng Pilipinas ang naturang lindol, kung kaya’t hindi na kailangan ang gagawing paglikas.

Una nang binanggit ng opisyal na bagama’t nasa kabi-lang bahagi ng Pacific Ocean ang sentro ng nabanggit na pagyanig, pero may ilang pagkakataon umano noon na nag-isyu ang Pilipinas ng tsunami warning.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “Mga Pinoy sa Chile, ligtas sa lindol

  1. Pingback: Mga Pinoy sa Chile, ligtas sa lindol - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.