Mga Pinoy, Pinagtitiis sa Pagtaas ng Kontribusyon ng SSS

HINDI NA raw mababago pa ang nakatakdang pagtaas sa binabayarang kontribusyon sa Social Security System (SSS).

Una nang inihayag ni Pangulong Noynoy Aquino III na mahalagang taasan ang monthly contribution ng mga kasapi para maiwasan ang pagkalugi.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, kung hindi ito maipatupad ay baka lalong malubog sa utang ang ahensiya.

Sinabi ni Lacierda na isa itong mapait na gamot na dapat tiisin ng taongbayan, gaya ng nakatakdang pagtaas sa pamasahe sa MRT at LRT.

Pero sa bandang huli, mamamayan din daw ang makikinabang sa epekto nitong ginhawa.

“No, these are things that we need to do. For instance, SSS pension, if you don’t… if we don’t increase the SSS pension, nakita roon tataas ang ating unfunded liability. But if we do contribute a little to our SSS premiums, it will diminish the unfunded liability,” ani Lacierda. “These are bitter pills to swallow but the President has laid down; these are the things that we are asking everyone, or the public, or the citizens to bear with us because, in the final run, in the end, anyway… at the end of the day, it will be the citizens who would be benefiting from this.”

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.