Mga Pinoy, Pinag-iingat sa Internet Recruitment Scam sa Malaysia

PINAG-IINGAT NI LABOR Secretary Rosalinda Dimapilis-Baldoz ang mga Pilipino na nagplaplanong magtrabaho sa Malaysia tungkol sa kumakalat na recruitment scam sa internet.

Ipinalabas ni Baldoz ang babala matapos makatanggap ng report mula sa Philippine Overseas Labor Office (Polo) sa Kuala Lumpur na may mga mensaheng naka-post sa internet tungkol sa visa processing requirements ng Immigration Department ng Malaysia.

“Such notices are a hoax and prospective workers for Malaysia should be very wary about answering these hoax emails,” babala ni Baldoz sa kanyang ginawang news release.

Ayon sa pahayag ni Baldoz, ang nilalaman ng naturang mensahe mula sa immigration authority ay ipinadalang e-mail ng isa sa mga prospective applicant na nagsasabing pending ang kanyang appointment letter sa Mobil Oil Company.

“The email also indicates that the cost of pre-paid flight tickets will be shouldered by the host employer, in this case Mobil Oil Company,” batay sa report ni Kuala Lumpur Hassan Gabra Jumdain.

Pinayuhan rin ni Baldoz ang mga Pilipino na higpitan ang pag-oobserba hinggil sa kanilang aplikasyon sa overseas employment ng Malaysia.

“They should only deal with licensed recruitment agencies posted at the Philippine Overseas Employment Administration website, or visit the POEA for advice. They should not be lured by sweet words from fixers and agents promising overseas jobs for a fee. Better still, they should immediately report illegal recruiters to government authorities,” pahayag pa rin ni Baldoz na nagbigay-babala na rin sa mga ito na ihinto na ang kanilang modus kung ayaw nilang batas na ang umusig sa kanila.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “Mga Pinoy, Pinag-iingat sa Internet Recruitment Scam sa Malaysia

  1. Pingback: lock your bike

  2. Pingback: Affordable health care act

Leave a Reply

Your email address will not be published.