Mga Pinoy, Ligtas sa Lindol sa Tsina

WALA PANG Pinoy na nai-report na nasaktan o naapektuhan sa 7.0 magnitude na lindol na tumama sa China noong  Sabado.

Ito ang ipinahayag ni Foreign Affairs spokesperson Raul Hernandez sa pamamagitan ng kaniyang opisyal na Twitter account.

Sinabi ni Hernandez na tumama ang lindol sa Sichuan province at naramdaman ang pagyanig nito sa Chengdu, Guizhou, Shaanxi, Yunnan at Chongqing.

Aniya, patuloy na nagmo-monitor ang konsulado ng Pilipinas sa Chongqing para sa mga pinakahuling kaganapan.

“The 7.0 earthquake in China’s Sichuan province hit Lushan County of Ya’an City & was strongly felt in capital Chengdu. It was also felt in Guizhou, Shaanxi, Yunnan & Chongqing. As of noontime, there were no reports of Filipinos injured or affected by d quake. PH Consulate General in Chongqing will continue to monitor developments.”

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.