Mga Pinoy ang nagpapasuweldo!
Ai-Ai delas Alas, 3 militar at isang PSG ang security sa court hearing!

KAKALOKA SI Simon Greatwich ng Azkals, talagang walang takot ang pinakawalang statement tungkol kay Charice.

Nagulat yata si Simon sa hitsura ni Charice nang mag-guest ito sa Gandang Gabi Vice last Sunday. Parang hindi pa yata nito alam na nag-out na ang singer at inaming tomboy siya kaya very manly na ang looks nito.

Out of surprise perhaps ay nag-tweet si Simon ng isang intriguing message.

Thought that was a fat Filipino boy singing on GGV! BUT NO its Charice from Glee! BAD makeover! I’d even date Vice over Charice now!” walang takot na tweet ni Simon.

We can only understand Simon. After all, hindi naman siya purong Pinoy kaya naman ganon siya ka-vocal sa pag-e-express ng kanyang saloobin.

Kaya lang, mag-react kaya si Charice sa kanya? Magtaray kaya ang tagahanga ng singer.

For some ay medyo harsh siguro ang statement ni Simon, the reason why he deleted it sa kanyang Twitter account.

Teka, baka naman hindi siya ang nag-post ng message? Baka na-hack ang kanyang account, hindi kaya?

NAGTAKA KAMI when we read reports na merong tatlong military at isang PSG (Presidential Security Guard) si Ai-Ai delas Alas nang um-attend siya sa preliminary hearing ng kasong isinampa niya laban sa dati niyang asawang si Jed Salang.

The existence of the military and PSG is a big question mark to us. Bakit kailangang meron siyang ganoon katinding security?

Tungkulin ba ng military at PSG na magbigay ng security sa isang civilian at celebrity na katulad ni Ai-Ai?

‘Kala ko ba sabi ni P-Noy ay merong daang matuwid, bakit kailangang bigyan ng VIP treatment ang katulad ni Ai-Ai? Dahil ba isa siya sa mga nagkampanya sa kanya noon? Payback time na ba, Mr. President?

Kaya bang bigyan ng military at PSG escort ang isang ordinaryong tao? Parang hindi. Available lang ang ganitong pribelehiyo sa mga celebrities.

We think that what we really have until now is SELECTIVE JUSTICE.

Ang alam namin, ang PSG ay para sa president at sa family nito.

Hindi naman presidential sister si Ai-Ai, ah! Kaya bakit kailangang meron siyang PSG?

So, pinapasuweldo ang PSG para bigyan ng proteksyon si Ai-Ai?

O, we forgot na isa pala si Ai-Ai sa mga nangampanya sa brother ni Kris Aquino kaya naman kailangang bigyan siya ng konting pribilehiyo.

As they say nga, it’s payback time!

 

ISA PANG nakakaloka itong si Daiana Menezes.

After allowing herself and her husband na mainterbyu sa The Buzz, parang pinalalabas pa ni Daiana na hindi siya kuntento sa kinalabasan ng panayam sa kanya.

When a certain @cherrymelch18 commenton on Twitter and said,“@daianamenezes_ you look so beautiful with your interview on THE BUZZ… with ur hubby….,” isang nakakalokang sagot ang itinuweet ni Daiana.

THXbutWORST&UNRELIABLE INTERVIEW EVER,” tweet ng Brazilian model.

If you notice, ang kanyang reply ay ALL CAPS, meaning, she’s stressing something.

Ano kaya ang gustong palabasin ng model na ito? Bakit hindi niya nagustuhan ang interview which she called “unreliable”?

Kakaloka talaga itong si Daiana. Dapat dito hindi na lang iniinterbyu. Actually, wala naman siyang kuwentang interbyuhin dahil ayaw naman niyang sabihin ang totoo.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

27 thoughts on “Mga Pinoy ang nagpapasuweldo!
Ai-Ai delas Alas, 3 militar at isang PSG ang security sa court hearing!

  1. mga teh ayan ngpaliwanag nasi babalina sa startalk…di nman daw pla mga PSG ungmga emeescort sa knya kundi mga PNP na kinuha nya at za daw ang ngbabayad, ngpatulong lndaw  za k kristeta sa pgkuha nung 2 at ng alam na nya kung pano ang proceso ezana ang kumuha pa ng 2 kya bale 4 daw…2 sakanya at 2 sa anak nya…at least yan malinaw na kc kasiraan yan k penoy kung tru na PSG  ung mga umeescort k babalina…pero sosyal zaha my pa escort-escort paza ha…

  2. Of course sa tulis  ng baba ni Aiai dapat Lang na may PSG siyang kasama. Eh Kung makasaksak yung MATULIS niyang baba Sa Mga taong bayan eh di marami pang nasaktan!

    • KAW HA. DI MO NA PINAHAHALAGAHAN SI FRIENDSHIP. PARANG WALA KAYONG PINAGSAMAHANG SHOW NA “RUFFA AND AI.” HAHAHA

    • kailangan pa ba talaga yun, bakit ano bang mapapala ni jed kung saktan niya si Ai Ai, sa hitsura ba ni ai Ai, magagawa pa bang saktan yan, kung ako kay Jed,,,Disappear na lang, kalimutan niya yang si Ai Ai,,,ang dami namang magagandang babae diyan

      • Marami ngang magaganda,pero ang tanong type din kaya ng mga magaganda si Jed?Ha ha ha si ai ai pangkaraniwan lang hitsura pero maganda ang laman ng petaka at yan ang hinahabol sa jed na yan.

  3. Your stupid choices put you in this predicament. Sana ikaw ang mag foot ng bill at hindi ang taong bayan. Bakit hindi kasi singilin ang babaeng ito. I have no sympathy for her. malandi kasi.

  4. kahit minsan, may nag criticized s awriter na ito sa kanyang English… aba, ngayon, kung TRUE sinusulat mo!!!   THUMBS UP ako saiYo Lex,…. na maisiwalat ang ang kabulukan ng straight road…..  

  5. Buti na lang may mga writers pa rin na gaya ni Mr. Brosas na di takot mag-sulat kapag sa tingin niya may maling nangyayari. Hindi gaya ng iba na puro pagpu-puri lang kahit may naki-kita nang hindi tama. Sana dumami pa ang ka-gaya ninyo. God bless you Sir.

  6. Hindi ba noong na-nakawan sina Zsa Zsa Padilla, PSG din ang unang pumunta (courtesy of Kris Aquino)? Nabasa ko lang iyon sa news. Daang matuwid? Kapag ordinaryong mamamayan, may patay na wala pang tulong o kahit pulis na dumarating. Kung noong panahon pala ni Cory may Kamag-anak inc. ngayon pati kaibigan na rin. Kung kaibigan lang pang PSG na, di lalo na ang mga kamag-anakan.

  7. kayo n ang maging kaibigan ng isang kris aquino, sk magtaka pb kayo kong mayron military o PSG s hearing n ai ai at jed natural kaibigan matalik yan n kris. TEKA masyado nb VIP c ai ai? parang kris aquino din c ai ai walang pumirming karelasyon.

  8. aba dapat ireklamo yan ng sambayanang pilipino ha…akala koba pahumble yang c penoy balut nyan na ayaw nya ng special treatment khit presidente za….e bkit nya inalow yang bagay nyan…im sure c super arteng kristeta ang humingi ngmga yan  k penoy balut pra k babalina…wow military men at psg pa tlaga ha…bigat  moneng…ang aarte nyong prehong mgkaibigan na parehong luka2!!!

      • Ingay lang naman ng wangwang ang nawala. Mas matindi nga na walang wangwang dahil hindi na rin alam ng tao kung saan-saan sila nagpu-punta. Bigla na lang may maki-kitang PSG o kaya militar ang mga tao kahit saang may kaibigan si Kris na nagka-problema. Di ba may pulis naman na naka-bantay sa mga korte? Talo pa ni Jed ang takas na mamamatay-tao sa dami ng escort ng misis niya. Siguro may PSG din sa concert ng soulmate niya si Vice kaya walang takot man-lait ang friend niya.

  9. NAKOH, SOBRA NAMAN PALA YANG SIMON GREATWICH NA YAN. PALIBHASA GWAPO AT ATHLETE. I MEAN, KAHIT AKO RIN EH NAAALIBADBARAN SA ITSU NI CHARICE NUNG SIMULA, PERO WAPAKELS NA NGAYON. CHOICE NYA YON. PERO SOBRA NAMAN YATA KUNG MAKAPANGLAIT ITONG HALF-BRIT, HALF-PINOY NA ITECH. KAHIT TIVOLI SI CHARICE, BABAE PA RIN YAN AT MASAKIT SA KANILA ANG MASABIHAN NG “FAT.” DEVAH? MERON PA SYANG NALALAMANG “BAD MAKEOVER” AT MAS GUGUSTUHIN NYA PA RAW PATULAN SI VICE GANDA. JUICE MIO. NAKOH, IHO, KAYONG MGA AZKALS (HINDI NAMAN LAHAT), ANG LALAKI NG ULO NYO HA. WALANG RESPETO EH KUNG TUTUUSIN, KAHIT PA MAY DUGONG PINOY ITONG MGA ITECH EH MGA “TRANSPLANTS” LANG YANG MGA YAN. ANG YAYABANG KASI NGA NAMAN EH NAGDADALA NG HONOR SA BANSA. PERO KUNG GANYAN NAMAN ANG ASAL, JUICE MIO.

    TEKA, ANO NA BANG NANGYARI DUN SA HARASSMENT NA ISINAMPA NUNG JUNAKIS NI EX-PRESIDENT RAMOS? BINUBURO NA NAMAN SA KORTE, TAPOS, MABABALITAAN MO NA LANG NA DISMISSED ANG KASO. HAHAHAHA. THAT’S PHILIPPINE JUSTICE SYSTEM. KALOWKAH!

    • Na-unahan pa nga noong kasong sinampa ni Kris kay James na parang hindi kapani-paniwala. Dapat siguro mag-suot muna ng kulay dilaw ang anak ni Pres. Ramos. Color-coding na yata ang sinu-sunod sa Pilipinas ngayon. Kasi di ba hindi naman bandila ang naka-lagay sa dibdib ng presidente ngayon kung hindi ang yellow ribbon. Ano iyon presidente lang ng dilawan hindi ng lahat ng mamamayang Pilipino? Baka ang mga iyon lang pinaniniwalaan niyang talagang bumoto sa kanya.

  10. dyusko ginagamit lang pala ng babaeng sandok na na ito ang security ng gobyerno…kakaloka! hoy, kami ang nagpapasweldo sa mga yan ‘teh tapos ikaw nakikinabang? kapal ng fez mong hugis half moon hahahahaha

  11. Bakeeet !!!!! ang bigat ng mga security ni Ai Ai Haba Baba… Kaso nya ba eh Homecide Y Murderer…..Alam ko na si Sinto Sinto ang nagbigay ng Security nya. Sana wag mapikon si “Sor Sister Mongha de Superiora” sa post kong ito…Bow

Leave a Reply

Your email address will not be published.