Mga Pera at Alahas, Tinangay ng 5 Menor

NILOOBAN NG umano’y limang menor de edad ang isang bahay sa Barangay Poblacion West, Pugo, La Union.

Tinatayang P200,000 na halaga ng mga pera at alahas na aabot sa P80,000 o kabuuang P280,000 ang tinangay ng mga kawatan.

Base sa ulat, bandang alas-4:45 ng ma-daling araw, lumabas sa kanilang tahanan si Pobleo Regala, 49, residente ng naturang lugar, kasama ang misis nito at kanilang anak para magsimba.

Ngunit nadiskubre na lamang nang umuwi ang mga ito, bandang alas-7:00 ng umaga, na pu-

wersahang nabuksan ang main door ng kanilang tahanan at nawawala na ang nasabing halaga ng pera at mga alahas.

Samantala, sa isinagawang follow-up operation ng mga kinauukulan, nadakip ang tatlo sa mga limang salarin at isa sa kanila ay boyfriend umano ng anak ng biktima.

Sa ngayon, ipinaubaya na ang mga suspek sa pangangalaga ng DSWD para sa kaukulang disposisyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.