Mga Pasyente sa PGH, Nag-Panic Dahil sa Fire Drill

NAGKAROON NG tensyon sa loob ng  Philippine General Hospital (PGH), kung saan nagtakbuhan ang mga pasyente at mga hospital staff matapos na magsagawa ng fire drill kamakailan.

Alas-10:00 ng umaga nang simulan ang pagsasanay ng ilang mga miyembro ng Manila Fire Department  bilang paghahanda sa pagkakaroon ng sunog.

Hindi napigilan ng mga pasyente at mga hospital staff ang takot at tensiyon nang marinig ang sirena ng mga bumbero sa lugar.

Samantala, kaagad ding napakalma ang mga ito nang malaman na isa lamang itong pagsasanay.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.