MGA PASAWAY NA PULIS SA 2011

PAGPASOK PA LAMANG ng taong 2011 ay nagpakitang-gilas na agad itong ilang demonyong pulis sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng katarantaduhan!

Si Talavera Chief of Police Col. Ricardo Dayag Jr. ay walang awang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng sarili nitong Deputy Chief na si Insp. Bernardo Castro dahil sa pag-awat ni Dayag sa nagwawala at sobrang lango sa alak na deputy.

Sinayang, parekoy, ng halimaw na Insp. Bernardo Castro ang buhay ng isang magiting na opisyal ng PNP.

Sa Pasig City naman, dahil lamang sinita ng mga security guard sa pag-park ng kanyang sasakyan sa NO PARKING area, nagtawag muna ng ayuda ang hinayupak na si Pasig City Deputy Chief S/Insp. Oscar Magsibang.

Ang duwag na halimaw na ito, parekoy, ay biglang bumangis nang makitang may umayuda sa kanya, mga maliliit lang na sekyu ang kinakaya mo, gago!!!

Iba naman, parekoy, ang diskarte nitong si C/Insp. Edwin Faycho at ang kanyang ilang tauhang parak mula sa Quezon City Police District.

Ayon sa sumbong ng isang bombay, kidnapping with murder naman ang lakad nitong grupo nina Faycho.

Susmaryosep, parekoy, nakapanghihilakbot kayong mga halimaw kayo!!!

Umeksena naman, parekoy, ang isang bagitong pulis na si P01 Arman Canilang ng San Jose Del Monte.

Mantakin mong walang habas na namaril ang ungas na ito… hayun, dalawa ang sugatan maliban pa sa isang patay na iniwan ng buwisit na ito sa Marilao, Bulacan!

Pero wala silang “binisa” rito sa manyakis na si P03 Antonio Bautista Jr. ng District Integrity Division ng Manila Police District.

Nanghuli muna ito ng isang babae dahil daw sa “bagansiya” at saka nito dinala sa loob ng kanilang police station.

Ginahasa na ng manyakis na Bautista ang kawawang biktima, dinenggoy pa talaga ng hayop na ito maging ang apat na libong pisong laman ng wallet ng babae.

Hayop ka, Bautista, pinakialaman mo na ang “wallet” sa ibaba, pati ba naman “wallet” sa bulsa hindi mo pinaligtas!!!

Ibang klase naman ang ginawa nitong si P02 Ronald Viran ng Malabon City PCP-6 na nakatalaga sa Brgy. Concepcion.

Aba eh, siya na nga itong nanghalikaw ng kanyang motorsiklo pagkatapos ay namaril pa… mantakin mong may gana pang magbanta ang letseng ito.

Na kung hindi raw magpapaa-reglo ang kanyang mga complainant ay “mag-iingat” na lang daw!!!

Ang yabang mong animal ka, Viran, ikaw ngayon ang mag-ingat para hindi ka masibak na hinayupak ka!!!

Pero bago nagsimula itong “kasikatan” nitong mga animal na ito, nauna nang nagpasikat noong huling bahagi ng 2010 sina P01 Antenor Mariquit at P02 Mario Natividad nang pagsasaksakin at barilin ng mga halimaw na ito ang buntis na si  Adeliza sa lalawigan ng Rizal.

Sa totoo lang, parekoy, marami tayong kaibigang pulis, pero sila yaong matitino (sa pagkakaalam ko man lang at least)… katunayan, may mga iniidolo pa nga tayo dahil sa kanilang husay sa pagtupad sa tungkulin.

Gaya na lamang, parekoy, sa mga kasapi ng SWAT ng Caloocan City at ng mga bumubuo ng RPIOU dito sa NCRPO na naka-base sa Bicutan.

Ang mga katulad nila, parekoy, ang dahilan kung bakit nananatili pa ang tiwala natin sa kapulisan… alin, kung ‘yong mga naunang pulis na binanggit natin sa itaas? Diyos ko, maisusumpa mo ang mundong ibabaw. Ehek!!!

INAANYAYAHAN KO PO kayo na makinig sa aking radio program na ALARMA Kinse Trenta mula Lunes hanggang Biyernes tuwing alas 6 hanggang alas 7 ng umaga sa dzme 1530 kHz (dulong kanan ng inyong talapihitan).

Sa programang ito ay inyo pong maririnig ang PAREHAS at WALANG TAKOT na pambabatikos sa mga kagaguhan ng mga taong gobyerno!!!

Maari rin ninyong i-text ang anumang sumbong o reaction sa 0915-2121303 o mag-e-mail sa junbriones69@yahoo.com.

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.