Mga Parak sa Atimonan Case, Pinahaharap sa Hearing

PINAYUHAN NI DILG Sec. Mar Roxas ang mga opisyal at tauhan ng Philippine National Police (PNP) na sangkot sa Atimonan incident na dumalo sa pagdinig ng kaso laban sa kanila.

Ginawa ni Sec. Roxas ang apela matapos isnabin ng mga pulis ang isinagawang preliminary investigation ng DoJ.

Ayon kay Roxas, walang dapat ikatakot ang mga pulis kung inosente at hindi sila kasangkot sa nasabing krimen.

Sinabi ni Roxas na importanteng sumailalim sila sa proseso ng batas para malaman ang katotohanan at maabsuwelto sila kung walang kasalanan.

Ginagarantiyahan naman umano ng Pangulo at ng ating mga batas na mabibigyan sila ng proteksyon sa ilalim ng sistema ng katarungan.

Samantala, kabilang sa mga police officias at personnel na dawit sa karumal-dumal na krimen sina C/Supt. James Melad, Supt. Hansel Marantan, S/Insp. John Paolo Carracedo at 19 na iba pa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.