Mga Parak, Na-‘Wow Mali’ sa Kasong Pagdukot

NA-‘WOW MALI’ ang mga awtoridad sa Bacolod City matapos isang ginang ang naiulat na dinukot.

Una rito, naalarma ang pulisya sa ulat na isang misis ang dinukot mula sa isang eskwelahan sa lungsod matapos isang lalaki ang bigla na lamang sumakay sa sasakyan ng babae matapos nakababa ang inihatid nitong anak at mabilis na pinatakbo.

Lumalabas sa follow-up operation at paghahanap ng mga awtoridad, natagpuan ang sasakyan sa loob ng isang lodging house.

Base sa pagsisiyasat,, kinumpirma ng roomboy na nag check-in nga ang dalawa sa lodge.

Napag-alaman na nasa Amerika umano nagtatrabaho ang mister ng nasabing babae at pinaniniwalaan na karelasyon nito ang lalaking sumakay sa kaniyang sasakyan.

Samantala, inaantay naman ang paliwanag ng dalawa para sagutin ang mga alegasyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.