Mga Panukalang Batas na Nai-Veto, Ire-Refile

KAHIT TAPOS na ang 15th Congress, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang mga matataas na lider ng Kamara sa mga panukalang batas na nai-veto ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.

Sinabi ni House Majority leader Neptali Gonzales II at Deputy Majority leader Janette Garin na ito ay dahil sa maaari pa rin naman itong i-refile sa 16th Congress.

Ayon sa dalawa, dahil sa ang mga panukala ay dumaan na sa deliberasyon at sa committee level kaya’t ang approval, kabilang na ang amendment, ay maaari nang mapabilis.

Maaalala na kabilang sa mga nai-veto ng Pangulo na hindi naisabatas ay ang Centenarian Act, Magna Carta for the Poor at ang pagbibigay ng height limit sa mga nagnanais na maging alagad ng batas.

Isa naman sa nakikitang dahilan ng mambabatas kung bakit hindi ito pinirmahan ni Pangulong Aquino ay dahil sa kawalan ng pondo para ipatupad ang mga panukala sa sandaling maging ganap itong batas.

Malaki naman ang paniniwala nina Gonzales at Garin na maisasabatas na ang mga ito kapag muling nagbukas ang sesyon sa Hulyo dahil mapaplantsa na nila ang mga sinasabing mga mali sa panukala.

Samantala, blessings in disguise na rin umano ang pagkaka-veto ng Pangulo dahil mayroon pa silang panahon upang ma-perfect ang mga panukalang batas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “Mga Panukalang Batas na Nai-Veto, Ire-Refile

  1. yan ang mahirap eh kaya puro palpak ang mga batas, pwede palang mai-perfect eh bakit naipasa na ang batas. nagmamadali umiral na nman ang kukoteng “bahala na” . ayusin nyo naman! nagmamadali nga kung wala nmn kuwenta later on, para san pa di naksama lang sa taumbayan! bussit!

Leave a Reply

Your email address will not be published.