Mga Pangunahing Lansangan sa W. Visayas, Bukas na sa mga Motorista

BUKAS NA sa mga motorista ang pangunahing lansangan mula sa Lungsod ng Dumaguete patungo ng Guihulngan City sa Negros Oriental.

Iyan ay makaraang matapos ng DPWH ang pagkukumpuni sa mga nasirang bahagi ng nasabing national road.

Nakumpuni na rin ang labing apat mula sa 20 natukoy na nasirang tulay sa Negros Oriental. Kabilang na ang Oyangon RCDG Bridge, Calag-Calag Bridge, Anibiong Bridge, Tampocon Bridge, Ayungon Bridge, Iniban Bridge I at Iniban Bridge II sa Ayungon; San Jose SPG Bridge at Jimalalud Bridge sa Jimalalalud; Bateria SPG Bridge, Tinayunan Bridge, P. Zamora Bridge at Habag Bridge sa Guihulngan; La Libertad Bridge at Malaiba Bridge sa La Libertad.

Ayon kay DPWH Secretary Rogelio Singson, nagpadala pa sila ng mga engineer at maintenance crew mula sa iba’t ibang mga district engineering office ng DPWH sa Region 6 at 7 para maibalik ang daloy ng trapiko sa lugar.

Samantala, nagtalaga naman ng detour route ang DPWH habang nagpapatuloy ang pagkukumpuni sa spillway ng Pangaloan Bridge sa Jimalalud.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 8941 stories on this site.

Comments are closed.