Mga Pampaganda, Ninakaw

NATANGAY NG tatlong hindi pa kilalang mga suspek ang mga pampaganda sa isang salon sa Navotas kahapon ng umaga.

Aabot sa P50,000 ha-laga ng mga produktong pampaganda ang natangay sa Ever Bilena sa M. Naval St., San Jose, Navotas City.

Batay sa ulat, alas-3:30 ng umaga nang pasukin ng mga suspek ang nasabing tindahan kung saan nilimas ang mga produktong tinda.

Kahapon ng umaga, sinabi sa may-aring si Edgar Senerador ang pangyayari na naging dahilan upang magsumbong sa mga pulis.

Nagsasagawa na nang imbestigasyon ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.