Mga opisyal sa Navotas at Malabon, kumilos laban sa Dengue at Leptospirosis

PINAG-IINGAT NG MGA punong opisyal ng Navotas at Malabon ang kanilang mga residente laban sa posibleng pagtaas ng kaso ng Dengue at Leptospirosis ngayong panahon ng tag-ulan.

Ayon kay Navotas Mayor John Rey Tiangco, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng kanyang opisina sa mga tanggapan ng Department of Health, Education at Interior and Local Government para sa mga kaukulang aksyon upang makaiwas at makontrol ang pagtaas ng insidente ng  Dengue at Leptospirosis.

Pinayuhan din ni Tiangco ang mga residente na laging isagawa ang “4S” na inilunsad ng DOH at ito ay ang: search and destroy the breeding places of the Aedes Aegypti mosquitoes; self-protection o pagsusuot ng mahahabang pantalon o manggas ng damit at paggamit ng mosquito repellants; seek early consultation by visiting the nearest barangay health centers or hospitals when fever is felt two or more days; at say no to indiscriminate fogging except when there is Dengue outbreak dahil itinataboy lang umano nito ang mga lamok na may dalang Dengue at hindi naman tuluyang napapatay.

Ang mga breeding ground ng nakamamatay na lamok ay maaaring matagpuan sa mga construction sites, paaralan, gulong at  maru-ming paligid .

Sinabi ni Tiangco na nakatutok ang kanilang kampanya sa mga bata dahil 50 porsyento ng mga apektado nito ay mga bata.

Samantala, pinag-iingat din ni Malabon Mayor Canuto Oreta ang kanilang mga residente sa paglalakad sa mga lugar na nakalubog sa baha dahil maaari silang magkasakit ng leptospirosis.

Ang Leptospirosis ay isang uri ng impeksyon na nakukuha ng tao dahil sa matagal na pagkakababad sa baha na kontaminado ng dumi at ihi ng mga hayop, partikular ng daga.

Nagsisimula itong kumalat sa katawan kapag ang kontaminadong tubig-baha ay nagkaroon ng direct contact sa mata at balat ng tao, lalo na kung may hindi gu-magaling na sugat.

Maraming lugar sa Malabon ang madaling lumubog sa baha at ito ay isinisisi ni Oreta sa patuloy na kabiguan ng DPWH na tapusin ang Camanava mega flood project na ipinangako nilang tatapos sa matagal ng problema sa baha sa Malabon at mga karatig na lugar sa Camanava area.  (ROMAN MAGPOC)

 

 

 

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Mga opisyal sa Navotas at Malabon, kumilos laban sa Dengue at Leptospirosis

  1. Pingback: Top Trending News » Blog Archive » Mga opisyal sa Navotas at Malabon, kumilos laban sa Dengue at Leptospirosis

Leave a Reply

Your email address will not be published.